Northern Samar at Ilocos Sur inuga ng 5.4 magnitude na lindol
MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na inuga ng 5.4 magnitude na lindol ang Northern Samar at Ilocos Sur.
Unang naramdaman ang pagyanig sa kanluran bahagi ng Sinait, Ilocos Sur dakong alas-8:18 ng umaga at naitala ang 3.7 magnitude na lindol at ang origin ng lindol ay tectonic habang ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 022 kilometro.
Naramdaman naman ang intensity 3 na lindol sa Vigan, Sinait at Bantay, Ilocos Sur. Habang naitala naman ang intensity 1 na pagyanig sa Laoag at Pasuquin, Ilocos Norte, Vigan, Ilocos Sur.
Kaugnay nito naramdaman naman ang 5.4 magnitude na lindol sa Silangan ng Mapanas, Northern Samar dakong alas-8:43 ng umaga at ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 027 kilometro.
Naramdaman ang intensity 2 na pagyanig sa Catarman, Northern Samar, Cabid-an at Juban, Sorsogon at naitala ang intensity 1 na lindol sa Tacloban City, Palo, Leyte, Legaspi City, Masbate City, Borongan, Eastern Samar, Sorsogon City.
- Latest