^

Bansa

Treatment centers itinayo sa Mindoro

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Para sa mga HIV/AIDS patients

MANILA, Philippines -  Sa layuning matutukan din ang mga pas­yenteng apektado ng Human Immunodeficiency Virus-Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV-AIDS) infection, nagpatayo  ng HIV/AIDS Satellite Treatment Center ang Department of Health (DOH) sa Occidental Mindoro.

Sinabi ni Dr. Eduar­do Janairo, regional director ng DOH-MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), ang naturang treatment center ay matatagpuan sa Occidental Mindoro Provincial Hospital sa bayan ng Mamburao.

Libreng serbisyo ang ipagkakaloob sa mga HIV patients sa lalawigan ng MIMAROPA.

Tiniyak naman ni Janairo na gagawing confidential ang bawat pagsusuri para sa kapakanan ng mga pas­yente.

Nabatid na itinayo ang HIV/AIDS Satellite Treatment Center base sa prinsipyo ng Anonymity, Respect, Understanding, Guidance, Advocacy o A.R.U.G.A. na may layunin na makapagbigay ng ligtas at komprehensibong pangangalaga sa mga HIV/AIDS patients.

Sa pinakahuling tala ng DOH-MIMAROPA, nitong Enero 2017, may isang nag-HIV/AIDS positive at isa ang kinakitaan ng sintomas ng sakit sa Oriental Mindoro habang dalawa naman ang kinakitaan ng sintomas sa Palawan.

Magkakaloob din aniya, ng libreng antiretro­viral drugs (ARVs) sa mga HIV positive patients para mapigilan ang pagkalat ng virus sa katawan ng pasyente.

HIV-AIDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with