^

PM Sports

Balak isunod ng Phoenix ang SMBeer

Russel Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos talunin ang Gin Kings ay plano namang isunod ng Fuel Masters ang Beermen para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Lalabanan ng Phoenix ang San Miguel nga-yong alas-7:00 ng gabi matapos ang upakan ng TNT Katropa at NLEX sa alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nanggaling ang Fuel Masters sa 94-91 panalo laban sa Ginebra Gin Kings noong Sabado sa Davao samantalang pinatumba ng Beermen ang Meralco Bolts, 99-92 sa kanilang unang laro sa torneo noong Linggo.

Aminado si Phoenix head coach Ariel Vanguardia na mahirap talunin ang San Miguel ni mentor Leo Austria.

“They have so many weapons, and our guys need to really step up,” wika ni Vanguardia kina import Charles Rhodes, three-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, Arwind Santos, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot at Chris Ross.

Nangako naman si Rhodes, makakatapat ni Jameel McKay ng Fuel Masters na palolobohin ang kanyang mga numero matapos maglista ng 22 points, 12 rebounds at 2 shotblocks sa panalo ng Beermen kontra sa Bolts.

“I think next game, I’m going to have a much better game than I did tonight,” sabi ng 6-foot-8 na si Rhodes.

Sa unang laro, tatargetin ng Tropang Texters ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa pagharap sa bumubulusok na Road Warriors.

Umiskor ang TNT Katropa ng 92-89 panalo laban sa Blackwater noong nakaraang Biyernes, samantalang nakatikim ang NLEX ng 103-105 pagkatalo sa Star.

“NLEX is a dangerous team right now, almost winning against Star the last time,” sabi ni Tropang Texters coach Nash Racela sa Road Warriors ni Yeng Guiao. “We need to give our best effort defensively to have a chance.”

PHOENIX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with