^

Bansa

China bukas sa joint marine cooperation sa Benham

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ang China na bukas sila sa marine cooperation sa Pilipinas para sa anumang joint research sa kontro­bersyal na Benham Rise sa Luzon.

Ayon sa Chinese Fo­reign Ministry, handa sila na mapanatili ang malapit na komunikasyon sa Pilipinas kaugnay sa iba’t ibang mahahalagang usapin kabilang na ang maritime issue sa Benham Rise at sa ibang mga teritoryo sa South China Sea.

“I know for sure that China is willing to engage in marine cooperation, including joint scientific research, with friendly countries like the Philippines, so as to bring benefits to people,” ani Chinese Foreign Ministry spokesperson Lu Kang sa isang press briefing sa Beijing.

Una na ring sinabi ni Lu na nirerespeto nila ang so­vereign rights ng Pilipinas sa Benham Rise, ang 13 ektaryang underseas plateau sa karagatang sakop ng Isabela.

Magugunita na sinabi naman ni Acting Foreign Affairs Sec. Enrique Ma­nalo na ilang beses na ibinasura ng Pilipinas ang kahilingan ng China na magsagawa ng scientific research sa Benham Rise noong 2015 at 2016.

Gayunman, ipinagtanggol ni Pangulong Duterte ang presensya ng mga Chinese research ships sa Benham Rise habang inamin din ng Pangulo na pinahintulutan nito na mag-research ang China sa nasabing lugar na ikinagulat ng Defense Department.

Sa kabila nito, nagpadala ng note verbal ang DFA sa Chinese government upang klaruhin ang presensya ng Chinese ships sa Benham Rise at sinabi ni Manalo na kuntento naman umano ang pamahalaan sa paliwanag ng China at sa pagkilala sa sovereign rights ng Pilipinas sa Benham Rise.

Plano naman nga­yon ng pamahalaan na baguhin ang pangalan ng Benham Rise sa Philippine Rise.

CHINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with