^

Bansa

MM mas ligtas ngayon – survey

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nasa 82 porsiyento umano ng taga Metro Manila ang nagsabing ligtas o “feel safer” ang pakiramdam nila kasunod ng giyera ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Base ito sa survery ng Pulse Asia na isinagawa noong Disyembre 6-11, 2016 limang buwan  matapos ideklara ni Pangulong Duterte ang drug war.

Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCPO), chief Director Oscar Albayalde, nagpapasalamat sila sa naturang survey result dahil nagpapakita ito na naramdaman ng mamamayan ang pagtahimik ng mga lansangan.

Una ng sinuspinde ng Pangulo ang partisipasyon ng PNP sa anti-drug war kasunod ng pagkakadukot at pagkapatay kay South Korean national Jee Ick-Joo sa loob mismo ng PNP headquarters sa Camp Crame kung saan pangunahing suspek ang mga anti-drug operatives.

Muling inilunsad ng PNP ang anti-illegal campaign matapos silang paya­gan ni Pangulong Duterte noong March 6 at tinawag na itong “Double Barrel Reloaded, Tokhang Revi­sited.”

SURVEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with