Kelot binoga sa ulo, tigok
MANILA, Philippines - Patay ang isang 30-anyos na lalaki nang barilin sa ulo habang naghihintay sa kaibigan sa isang playground sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Usman Unto, subalit dinawian din ng buhay.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa suspek at ang motibo sa krimen.
Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan, ng Manila Police District-Homicie Section, dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang pammaril sa biktima sa Baseco Playground na matatagpuan sa Block 9 Habitat, Baseco Compound,.
May hinihintay umanong kaibigan ang biktima nang habang nakatalikod ay biglang nilapitan ng hindi kilalang suspek at barilin sa likod ng ulo.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.
- Latest