^

Metro

Korean Embassy nagpasaklolo sa nawawala nilang kababayan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinaiimbestigahan ng embahada ng Korea sa Pasay City Police  ang umano’y pagkawala ng isa nilang kababayan sa naturang lungsod.

Ayon kay Police Chief Inspector Rolando Baula, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police, sumulat sa kanila ang Ko­ean Embassy hinggil sa pagkawala ni Chang Hun Lee,  pansamantalang nanunuluyan sa isang condominium sa Leveriza St., Brgy. 24 ng naturang siyudad.

Nabatid na noon   pang Marso 15 ng taong kasalukuyan iniulat na nawawala si Lee.

Sa ngayon ay hindi na makontak ng Pasay City Police ang taong unang nagbigay ng impormasyon hinggil sa pagkawala ni Lee.

Gayunpaman, nangako ang Pasay City Police sa Korean Embassy, na gagawin nila ang lahat upang matunton ang kinaroroonan ng naturang dayuhan.

ROLANDO BAULA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with