^

Metro

Trapik asahan sa road re-blockingsa QC

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Asahan ang masikip na trapik dahil ilang kalsada sa Quezon City ang pansamantalang isasara  ngayong weekend para isailalim sa pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Base sa abiso kaha­pon ng Metropolitan Ma­ni­la Development Authority (MMDA), isinara simula   alas-11:00 kagabi ang Southbound lane ng Mindanao Avenue mula Mindanao Avenue  Bridge hanggang Tandang Sora Avenue. Isasara rin ang Southbound lane ng Commonwealth Avenue mula Don Jose St.,hanggang San Simon St.

Gayundin ang Southbound lane ng Quirino Highway mula Mindanao Avenue hanggang Bernardino St.

Isasailalim din sa road re-blocking ang westbound lane ng Congressional Avenue  Extension sa harap ng Shell-Miranda Gate, kung  kaya pinapayuhan ang mga daraan dito na bumagtas  sa Commonwealth Avenue.

Muli namang bubuk-san sa daloy ng trapiko   ang mga nabanggit na kalsada alas-5 ng madaling araw  sa Lunes, March 13.

Dahil dito ay pinapayuhan ng MMDA ang mga motoristang daraan sa nabanggit na kalsada na umiwas at dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maipit sa trapiko.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with