^

PSN Showbiz

ABS-CBN nagbigay ng tips kontra sa fake news

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Mahigit 1,000 estudyante ng komunikasyon mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas ang nag-uwi ng mas malalim at kritikal na pag-unawa tungkol sa media sa 11th Pinoy Media Congress (PMC), isang proyekto ng ABS-CBN at ng Philippine Association of Communication Educators (PACE), na ginanap noong Pebrero 16-18 sa St. Mary’s College Quezon City at sa ABS-CBN compound.

Nagsama-sama ang mga bigating pangalan sa news at entertainment media upang magbahagi ng kanilang karanasan at kaalaman kaugnay ng temang Media and Information Literacy: Understanding Media in Today’s Changing Society sa PMC, na pinalabas din ng live via satellite sa Visayas State University (VSU).

Sa kanyang opening remarks, pinatotohanan ni ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak ang kahalagahan ng media literacy sa panahon ngayon, kung saan lahat ay malayang makapahayag gamit ang social media. Aniya, maging mapanuri ang mga kabataan sa kanilang mga nababasa, at maging responsable rin sa kanilang mga sariling pahayag.

Tatlo raw ang silbi ng media sa lipunan: ang ibalita ang katotohanan, ang sumuporta sa mga adbokasiya para sa ikabubuti ng lahat, at maging kabalikat sa pagtaguyod ng bansa, gaya nang ginagawa ng network sa pamamagitan ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation. Giit niya, ang maging parte ng media ay maglingkod sa bayan.

Samantala, naniniwala rin si ABS-CBN News head Ging Reyes na kailangan ang media literacy para maprotektahan ang demokrasya sa bansa. Aniya, sa kabila ng mga hinaharap na hamon ng media sa panahon ngayon, dapat itong manatiling matapang, dedikado, matibay, at tapat sa mga adhikain at paninindigan nito. 

Nagbigay naman ng tips kung paano malalaman kung peke ang balita sa internet si ABS-CBN News Public Service head at Bayan Mo, iPatrol Mo head Rowena Paraan, tulad nang pagsilip kung maayos ang pagsulat ng artikulo o kung nakasaad dito ang mga pinagkuhanan diumano ng impormasyon ng sumulat. Sabi ni Paraan, kailangan mag-fact check ang mga tao bago magpakalat ng mga nababasa nila online.

Bukod sa kanila, nagbahagi rin sa PMC sina ABS-CBN News chief of reporters Lynda Jumilla, broadcast journalists Ted Failon, Ces Oreña-Drilon, at Jeff Canoy, VERA Files Trustee Ellen Tordesillas, Ramon Tuazon ng Commission on Higher Education, ABS-CBN News head for Futures, Standards and Ethics Chi Almario-Gonzales, at digital gurus na sina Carlo Ople ng PLDT, Inc. at ABS-CBN head for Digital Media Services Dennis Lim, ABS-CBN Film Restoration head Leo Katigbak, sikat na scriptwriter at book author na si Ricky Lee, The Greatest Love head writer Jerry Gracio, ABS-CBN Publishing, Inc. managing director Mark Yambot, ABS-CBN International Sales and Distribution head Leng Raymundo, at ABS-CBN head of Research for Channel 2 Liza Aleta. Dinala rin ni ABS-CBN business unit head Ruel Bayani ang buong cast ng Langit Lupa upang bumati sa mga delegado pagkatapos ikwento ang kanyang pag-angat sa industriya.

Nakaharap din ng mga estudyante ang mga lider ng ABS-CBN na sina Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, head of TV Production Laurenti Dyogi, at Reyes, bago ang mga performance mula sa ilang Kapamilya stars sa pangunguna nina Elmo Magalona, Diego Loyzaga, Hashtags, at BoybandPH.

 

 

 

 

 

PINOY MEDIA CONGRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with