^

PM Sports

Pacquiao sasagupa kay Khan sa Abril 23,totoo na ito

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa huli ay si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ang masusu-nod kung sino ang gus-to niyang labanan at kung saan ito dapat ga-win.

Sa kantang Twitter account ay inihayag kahapon ni Pacquiao ang pagkakasemento ng kanilang laban ng dati niyang sparmate na si Amir Khan sa Abril 23.

“Negotiations bet-ween team Pacquiao and team Khan have come to terms for the April 23 bout as this is what the fans wanted,” sabi ni Pacquiao.

“My team an I have agreed terms with Manny Pacquiao and his team for a super fight,” pagsegunda naman ni Khan.

Si Khan ang nanguna sa ginawang online poll ng tropa ni Pacquiao para sa gusto ng mga fans na harapin niya.

Wala pang venue kung saan idaraos ang naturang suntukan nina Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) at Khan (31-4-0, 19 KOs), ngunit posible itong gawin sa Dubai.

Itataya ng 38-anyos na si Pacquiao ang hawak na World Boxing Organization welterweight crown laban sa 30-anyos na si Khan.

Ang naturang titulo ay inagaw ni Pacquiao kay Jessie Vargas sa comeback fight niya no-ong Nobyembre matapos magretiro noong Abril kung kailan niya tinalo si Timothy Bradley, Jr. sa kanilang ‘tri-logy’.

Si Khan ang nanguna sa ginawang online poll ng tropa ni Pacquiao pa-ra sa gusto ng mga fans.

Bukod kay Khan (48%), ang iba pang pi-nagpilian ng mga fans ni ‘Pacman’ ay Briton welterweight king Kell Brook (24%), American light welterweight ruler Terence Crawford (21%) at Australian contender Jeff Horn (7%).

Si Khan ay ang da-ting unified light welter-weight champion ng World Boxing Association at International Bo-xing Federation.

Naging boxer ni chief trainer Freddie Roach si Khan bago ito kumuha ng bagong trainer noong 2012 sa katauhan ni Virgil Hunter.

Nag-alok ang grupo mula sa United Arab Emirates kay Pacquiao ng $38 milyon para sagupain si Khan.

Si Micahel Koncz, ang Canadian adviser ni Pacquiao, ang nakipag-usap sa nasabing grupo.

Nakalasap si Khan ng sixth-round KO loss kay WBA middlewight titlist Canelo Alvarez noong Mayo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with