Dagdag na parusa sa babaliktad na testigo sa Kongreso ipinanukala
MANILA, Philippines - Isang panukalang batas ang isinusulong ni Kabayan Rep. Harry Roque na nagtataas sa parusa sa mga nagsisinungaling na testigo sa Kongreso.
Ang hakbang ni Roque ay dahil sa paglutang ni retired SP03 Arthur Lascanas na bumaligtad sa kanyang testimonya sa Senado.
Sa House Bill 5112 ni Roque, itinataas sa anim hanggang walong taon ang kulong ng sinumang mapapatunayang testigo na nagsisinungaling sa Kongreso.
Giit ng kongresista, masyadong mababa ang kasalukuyang parusa sa ganitong paglabag na anim na buwan at isang araw lamang na kulong at maaari pang mag-probation kaya lalabas na wala rin itong kulong.
Paliwanag ni Roque, kailangang managot ang mga nagsisinungaling sa kanilang mga proseso sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso dahil hindi maaaring tetestigo sa kanila subalit lantaran naman ang pagbaluktot ng katotohanan.
- Latest