^

Kutob

Pebrero 22, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang pag-iingat ng aking Manlilikha ay seguridad ng bawat miyembro ng pamilya ko. Salamat sa walang kapantay niyang katapatan.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –  Ang munting suliranin sa minamahal ay hindi dapat pinapatagal, gawan ng paraan para maisaayos. Isang lihim ang hindi inaasahang matutuklasan.  Huwag pilitin ang sarili kung may pag-aalinlangan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 29, 39, 41 at Oak Brown.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Taglayin ang kahinahunan at pang-unawa dahil magiging lapitin ka ng mga taong pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang mahabang pasensya. Iwasan ang pangako at mangako. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 32, 33 at Pink.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Nasa magandang pakiramdam ang katawan para tapusin ang lahat ng trabahong nakaatang. Isang tawag mula sa mahal ang makakadagdag sa kaligayahan at kasiyahan. Kaligayahan ang pakiramdam nang pagtulong sa kapwa o kaibigan. Magiging masaya at mapayapa ang tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 20, 25, 33, 34 at Green.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) –  Mag-ingat dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Ang mga pagkakamaling nagawa ay malamang maulit. May kaunlarang matatamo kung positibo ang nasa isip. Lucky numbers at color for the day ang 15, 30, 40, 41 at Neon Green.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan ngunit iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang magplano sa bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Magiging positibo ang isip sa pag-gawa ng tungkulin. Lucky numbers at color for the day ang 22, 39, 40, 42 at Aqua Blue.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –  Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan. Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan at kaibigan. Iwasan ang maging mapusok. Maayos at walang balakid ang takbo ng mga gawain. Bagong pag-ibig ang makakagulo sa isipan at kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 13, 22, 35, 39 at Brown.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Aries ang makikilala, tiyak magkakatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak o sa tahanan. Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o manghihiram ng pera. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 33, 40 at Jade Green.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Ang dapat desisyon ay pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Kung mag-a-apply ng trabaho, sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 30, 42 at Electric Blue.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Tanggapin kung nagkamali, kalakip ang kaluwagan ng kalooban. Mahalaga ang magtiyaga. Lilipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Maging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa. Ang payo kung gustong isa-alang-alang ay pag-aralan muna nang mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 23, 40 at Orange.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) – Taglay ang kasiglahan subalit madaling mapipikon, magiging mainitin ang ulo at madaling magalit. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Lucky numbers at color for the day ang 18, 27, 36, 40 at Bold Yellow.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) – Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ng pansin sa kausap upang pakinggan. Magagawang makumbinsi ang kahit na makulit o makitid ang isipan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 24, 34, 38 at Jade Green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) – Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera para hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Ayusin kaagad at huwag ipagwalang-bahala ang kaunting suliranin sa bahay o trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 25, 37 at Sky Blue.

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with