^

Metro

1,280 dagdag na tauhan sa PDEA isasabak kontra droga

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong nasa kamay na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagsasagawa ng mga anti-illegal drug operation katulad ng‘ Oplan Tokhang’ na dating hawak ng PNP, dadagdagan ng ahensiya ang bilang ng kanilang mga ahente na sasagupa kontra illegal drugs sa bansa.

Ayon kay PDEA Director General Isidro S. Lapeña manganga­ilangan sila ng karag­dagang 1,280 regular plantilla positions na naaprubahan ng Dange­rous Drugs Board (DDB) resolution para maging kaisa ng organisasyon partikular sa larangan ng intelligence at investigation.

“The approved modifications in the organizational structure and staffing pattern of PDEA will be endorsed to the Department of Budget and Management (DBM) for appropriate and imme­diate action,” pahayag ni Lapeña.

Ang PDEA ay may limitadong workforce na 2,271 regular-plantilla positions ng mga tauhan na kasalukuyang nakakalat sa ibat- ibang tanggapan sa bansa.

Sa naturang bilang, ang  1,274 ay mga  Drug Enforcement Officers (DEOs) na nagsisilbing mga front liners para sa anti-drug campaign, 761 ay bilang mga administrative personnel at 236 ay mga technical personnel.

Anya, bunga ng naaprubahang pagdaragdag ng tauhan, ang resolusyon ng DDB ay magbubunsod din ng paglikha sa bagong PDEA Counter Intelligence Service  na may tatlong division tulad ng  Internal Counter-Intelligence, External Counter-Intelligence at Security Division na pangangasiwaan ng 24 na tauhan.

Ang kasalukuyang Coun­ter-Intelligence and Security Division ng PDEA Intelligence and Investigation Service (PDEA-IIS) ay papalitan ng Financial Investigation Division (FID) na may 11 tauhan na hahabol sa mga money launderers laluna ng mga drug syndicates na nagagamit ang mga bangko at ibang regulated entities sa illegal drug transactions .

PDEA

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with