^

Metro

2 kelot itinumba ng de-kotseng suspects

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang iniulat na nasawi sa magkasu-nod na pamamaril na ginawa ng mga hindi nakikilalang mga suspek na lulan ng isang kotse sa Brgy. Payatas, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

 Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Jayson Atienza, 26, pedicab driver at resi-dente ng Brgy. Payatas B, QC;  at isa pang biktima na nakilala sa alyas na Kutsara, nasa pagitan ng edad na  30-35, may taas na 5’4, ka­raniwan ang katawan, nakasuot ng kulay itim na shirt at jersey short pants.

Ayon sa ulat ni PO3 Hermogenes Capili, may-hawak ng kaso, mga hindi nakikila-lang armadong suspek ang umano’y may kagagawan sa krimen na sakay ng isang kulay puting sasakyan at walang plaka.

Sa pagsisiyasat, nagsi-mula ang insidente sa harap ng bahay ng biktimang si Atienza, dakong alas-2:30 ng madaling araw.

Base sa saksing si Jessa Gumera, kinakasama ng biktima, nasa loob umano siya ng kanilang bahay nang marinig ang mga putok ng baril na nagmumula sa labas. Nang sumiip si Gumera sa labas ay nakita niya ang walang buhay na katawan ng kinakasama na duguang nakahiga.

Mula dito, nakita din ni Gu­mera ang papaalis na mga suspek na sumakay ng isang naghihintay nilang sasakyan at tumakas sa lugar.

Matapos nito, ilang metro ang layo sa bahay ni Atienza, muling bumaba ang mga suspek sa kanilang sasakyan at walang kaabog-abog na pinagba­baril ang     isa pang bik­timang si Kutsara sa kahabaan ng Visayas St., na agad na ikinamatay nito.

Kapwa nagtamo ng multiple gunshots wounds sa kani­lang mga katawan ang mga biktima. Habang patuloy na inaalam ng CIDU kung ano ang motibo ng nasabing pamamaril.

CIDU

JAYSON ATIENZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with