^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pawang banta lang sa mga demonyong pulis

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pawang banta lang sa mga demonyong pulis

PINAGBIBITIW si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa kaugnay sa pagkakasangkot ng mga pulis sa pagkidnap at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick-joo. Umapaw ang panawagan sa social media na dapat magbitiw si Dela Rosa sapagkat sa sari­ling bakuran niya pinatay ang Koreano at mga pulis pa ang gumawa niyon. Humingi naman ng sorry si Dela Rosa sa pamahalaan ng Korea sa nangyari at na­ngakong mananagot ang mga pulis na sangkot sa krimen.

Kinidnap si Jee noong Oktubre 18, 2016 sa bahay nito sa Angeles City. Pampanga. Pinalalabas na may kinalaman sa drug operation ang pagsalakay sa bahay ng Koreano. Kasamang kinidnap ang maid ni Jee. Dinala sa Camp Crame ang dalawang kinidnap. Pinakawalan ang maid subalit pinatay ang Koreano sa pamamagitan ng pagsakal. Dinala ang bangkay sa isang punerarya sa Caloocan at doon inembal­samo. Pagkatapos ay dinala sa isang crematorium at sinunog saka itinapon ang abo sa inidoro. Humi­ngi ng ransom ang mga kidnaper sa misis ng Ko­reano sa kabila na pinatay na nila ito.

Unang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si SPO3 Ricky Sta. Isabel, isa sa mga suspect. Si Sta Isabel ay itinuro ng mga kapitbahay na umano’y nagmaneho ng SUV na pinagsakyan kay Jee. Una nang pinabulaanan ni Sta. Isabel ang paratang. Kahapon, umamin na si Sta. Isabel sa partisipasyon sa krimen. Sinampahan na siya ng kaso. Tatlo pang pulis ang isinangkot sa kidnapping. Sila ay sina Supt. Raphael Dumlao, Senior Police Officer 4 Roy Villegas at Police Officer 2 Christopher Baldomino.

Nakakahiya ang ginawa ng mga pulis na mismong sa PNP headquarters pa isinagawa ang krimen. Nagpapakita lamang ito na wala nang takot ang mga pulis sa kanilang pinuno. Ito’y dahil puro banta si Dela Rosa sa mga pulis na corrupt. Hindi niya kayang putulin ang sungay ng mga ito. Kahit ilang beses pang magpakita ng kamao si Dela Rosa bilang banta, hindi ito sapat, kailangang gawin niya. Hindi uubra ang pagbabanta sa mga demonyong pulis. Kung buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran.

DIRECTOR GENERAL RONALD DELA ROSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with