^

Metro

2 ‘tulak’ todas sa buy-bust

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang ‘tulak’ ang napa­tay ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon City at Caloocan City.

Sa ulat ni PO3 Elario Wanawan patay si Michael Roxas, 29, ng no.99-A, Sauyo Road, Brgy. Sauyo, Novaliches, QC makaraang manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Quezon City Police Station 4 sa Barangay Sauyo, Novaliches sa lungsod, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Wanawan, nangyari ang insidente sa may bahay ng suspek, dakong alas-6:45 ng gabi, kung saan nagsagawa ang tropa ng SAID-SOTG ng  PS-4 sa pamumuno ni P/Senior Insp. Dennis Francisco ng buy-bust operation laban sa kanya.

Pero habang nasa kala­gitnaan umano ng transaksyon ay nakatunog ang suspek sa presensya ng mga operatiba sa paligid dahilan para magbunot ito ng kanyang baril at paputukan ang mga huli. 

Gumanti naman ng putok ang mga otoridad sanhi para masugatan ang suspek at itakbo sa Novaliches District Hospital para magamot, subalit idineklara ding dead on arrival.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SODO) sa crime scene narekober ang isang kalibre .45 ba­ril, apat na piraso ng basyo ng bala, isang tingga, dalawang bala, tatlong piraso ng plastic sachet ng shabu, dalawang lighter at isang glass tooter.
Bukod dito, nakarekober din ang mga imbestigador sa bulsa ng short pants ng nasawi ang isang coin pouch na naglalaman ng dalawang piraso ng plastic sachet ng shabu, isang P500, at isang lighter.

Samantala, nasawi din sa pakikipagbarilan sa mga pulis kamakalawa ng umaga sa Caloocan City si Joselito Regis, alyas “Dagul”, 25, binata, at naninirahan sa Block 39 Lot 5 Salay-salay Street, Dagat-Dagatan, Brgy. 12, ng naturang lungsod.

Naaresto rin sa naturang operasyon ang mga hinihinala ring ‘tulak’ na sina Josephine Gracia, 42; at Arthur Devera, 42, kapwa naninirahan sa may Salmon Street, Dagat-Dagatan, Brgy. 8, ng naturang lungsod.

Sa ulat, nagkasa ng operas­yon ang Caloocan City Police Station Anti-Illegal Drugs unit makaraang makatanggap ng sumbong buhat sa isang concerned citizen ukol sa nagaganap na bentahan ng iligal na droga sa may Salmon Street.

Nang paparating ang mga pulis, agad na nakatunog angisang grupo na nagtatransaksyon at nagkanya-kanyang takbuhan.  Nakorner ng mga pulis sina Gracia at Devera dahilan ng kanilang pagkakaaresto.

Puwersahang pumasok naman sa isang barung-barong na pag-aari ng isang tindera si Regis at pinaputukan ng baril ang mga humahabol na pulis. Dahil sa nalagay sa panganib ang buhay, napilitan na gumanti ng putok si PO3 Michael Tagubilin dahilan para tamaan ang suspek at masawi.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang kalibre .38 Smith and Wesson na may tatlo pang bala buhat sa bangkay ni Regis, 2 cartridges, at dalawang plastic sachet na nag­lalaman ng hinihinalang shabu.

Dumating naman sa lugar ang isang Venus Cruz na kinilala ang napaslang na suspek na kanyang kapatid at inamin na gumagamit ito ng iligal na droga. - Ricky T. Tulipat at Danilo Garcia

vuukle comment

TULAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with