^

Punto Mo

‘Nagkaisa ang dating magkaaway’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

PARANG iba ring makipagkaibigan si Presidente Rodrigo Duterte. Napakadaling hulihin ng loob dahil sa ang Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe ang pinakaunang malaking opisyal na bumisita sa Davao sinuklian niya naman ito ng isang napakagandang loob.

Mantakin mo pangalanan ang ating ipinagmamalaking Philippine Eagle in honor ng Prime Minister ng Japan at ng kanyang buong bansang nirerepresenta.

Tinawag niya ang isang dalawang taong gulang na Agila ng “Sakura” na ang ibig sabihin ay “Cherry Blossoms”.

Susuportahan ang kampanya laban sa droga at pagsugpo ng terorismo sa bansa ito ang sinabi ni Prime Minister Abe sa pagbisita niya sa bansa.

Mula nang umupo si Presidente Rodrigo Duterte ay si Prime Minister Abe ang kauna-unahang lider ng ibang bansa ang bumisita sa Pilipinas.

Tutulong ang Japan sa pagtatayo ng mga rehabilitation centers bilang pagsuporta sa kampanya ng Presidente sa laban nito kontra iligal na droga.

Tutulong din ang Japan sa pagsugpo ng terorismo. Nitong nakaraang taon lang ilan na ang namatay at nadukot ng mga bandidong grupo.

Madalas sa karagatan na tinatambangan ng terorista ang kanilang mga bibiktimahin kaya kinakailangan daw ng mas pinaigting na maritime security.

Kung business opportunities naman ang pag-uusapan nakahanda ring gumawa ang Japan ng mga ito sa pamamagitan ng Official Development Assistance (ODA).

Kapag natuloy ang ipinangakong ito ng Japan may mga pagkakataon din para sa ating manggagawa ang magbubukas kaya mababawasan ng ilang porsiyento ang mga taong walang trabaho. Makakatulong ito para mas umunlad ang ating bansa.

Sa pangalawang araw sa bansa ni Prime Minister Abe ay nagpunta sila sa bahay ni Presidente Duterte. Hindi nagpahuli ang ating Presidente at ipinatikim niya ang kutsinta, biko, suman at monggo.

Ipinakita niya din ang kanyang kulambo na nauna nang binanggit noon na hindi siya nakakatulog kung wala nito.

Sa pagkakamabutihan ng dalawang pinuno ng dalawang bansa asahan natin na magiging mutually beneficial para sa mga mamamayan ng Japan at pati na rin ng Pinoy.

Luluwag ang dating mahigpit na pagkuha ng visa patungong Japan at ang Pilipinas ay hindi naman maghihigpit sa mga Hapones na gustong magpunta dito at ang ibang mga senior citizens na gustong magretiro dahil sa ating klima na di gaya sa kanila na sobrang lamig ay katanggap-tanggap sa atin.

Isang babala kung meron mang magsubok na mga mangangaso at nabaril si Sakura. Hindi titigil si Digong hangga’t hindi kayo mahanap alam niyo na kung ano mangyayari sa inyo.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

PRESIDENTE RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with