^

True Confessions

Ang Magkapatid (107)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HALIKA, John Philip, dun tayo sa labas at mas presko roon. Naliligo pa naman si Hannah. Dun natin pag-usapan ang problema mo. Ayaw kong nakikita na prob­lemado ka,” sabi ni Sir Henry at tinapik-tapik sa balikat si Ipe o John Philip.

Lumabas sila at nagtungo sa malawak na bakuran na may nakatanim na malalakng puno. May mga silyang bakal dun. Preskung-presko ang pakiramdam. Naupo sila.

“Ano ang tungkol sa iyong father, John Philip?’’

“Hinihiling po niya na makita kami ng kapatid kong si Ada. Huling kahilingan daw po.’’

“Huling kahilingan­? Why?’’

“May taning na raw po ang buhay dahil sa cancer.’’

“Hmmm, mabigat ang kalagayan niya.’’

“Bago raw po siya mamatay ay gusto niya kaming makita at makahingi ng tawad.’’
“So anong problem, John Philip?’’

“Hindi ko po siya kayang patawarin, Sir. Ayaw ko po siyang ma­kita. Kung pipilitin ko ang aking sarili, lalabas na makikipagplastikan lamang ako. Ayoko Sir.’’

Napatangu-tango ang mabait na boss pero may iniisip para kay Ipe.

“Ilang beses ko pong inisip ito Sir Henry at talagang hindi ko kayang humarap sa kanya. Masakit po ang ginawa niya sa aking­ mama at sa aming dalawa ng kapatid ko na natiis niya sa loob nang maraming taon. Ngayon ay lumutang siya para humingi ng tawad. Ganun na lang ba yun? Hanggang nga­yon, naaalala ko pa ang kuwento nang hindi niya balikan si Mama sa resthouse sa Laguna habang ako ay pinagbubuntis. Natiis niyang maghintay si Mama sa isang lugar na hindi niya kabisado. Nasaan naman ang konsensiya niya? Hindi man lang niya ipinagtanggol sa matapobre niyang ina. Nilait-lait si Mama ng kanyang mapagmataas na ina.’’

Nakatingin si Sir Henry kay Ipe. Inu­unawa ang damdamin ni Ipe. Pinapayapa ang galit nito sa ama.

Nang inaakalang malamig na si Ipe ay marahang nagsalita. Parang sa isang ama ang payo.

“John Philip, ka­ilangan nating magpatawad. Kahit gaano man kabigat ang nagawa ng isang tao, kailangan ang pagpapatawad. Ama mo pa rin siya kahit ano pa ang mangyari. Payo ko, patawarin mo siya. Kalimutan na ang nakaraan.’’

Hindi makatingin si Ipe sa mabait na boss.

(Itutuloy)

JOHN PHILIP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with