Dapat Gawin ‘Pag Inatake ng Aso
May hindi inaasahang pangyayari kunsaan mapapadaan ka sa lugar na may aso. Likas din sa mga hayop na ito na kumahol ‘pag may nakita silang hindi nila kilala o ang mas malala, kakagatin nila ito at hahabulin.
Kaya naman, narito ang ilang aksyon na dapat gawin ayon sa mga eksperto at cynologist para panatilihing ligtas ang sarili at ‘di makagat ng aso:
Huwag mag-panic – Pinaniniwalaan na alam ng mga aso ‘pag natatakot ang tao. Kaya naman, mas maganda kung ikaw ay magiging kalmado at huwag magpahalata na ikaw ay natatakot. Lalo ring magagalit ang aso kung ikaw ay sumigaw at tumakbo.
Maglakad at huwag tatakbo – Maglakad sa direksyon kung saan hindi mo makikita ang aso pero maging mapagmasid pa rin sa kung ano ang kanyang ginagawa. Mawawalan ng interest ang aso kung ikaw ay naglakad ng patalikod sa kanya.
Huwag makikipagtitigan sa aso! – Lalong ikagagalit ng aso kung ikaw ay makikipagtitigan sa mga ito. Aakalain nila na ikaw ay matinding banta sa kanila kaya malamang na ikaw ay aatakihin ng mga ito. Panatilihing mapagmasid sa aso pero huwag kang titingin sa mata nila.
(Itutuloy…)
- Latest