^

Probinsiya

6 tiklo sa P.2-M shabu

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
6 tiklo sa P.2-M shabu
Pasipul-sipol pa ang babaeng kabilang sa anim na naaresto ng puwersa ng PDEA Region-3 at PNP sa isinagawang operasyon sa Brgy. Bagong Nayon sa bayan ng Baliwag, Bulacan kung saan nasamsam ang P.2-milyong halaga ng shabu.
Boy Cruz

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng anim-katao na sinasabing sangkot sa drug trade makaraang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at pulisya ang dalawang bahay sa inilatag na drug bust operation sa Brgy. Bagong Nayon, bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon ng umaga.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Reynante Serrano, 28; Rommel Serrano, 31; Mary Jane Serrano-Reyes, 24; Ronaldo Sanding, 48; Conrado Sanding, 42; at si Mary Anne Sanding, 24, mga residente ng Mapagmahal Street sa nasabing barangay.

Sa ulat na isinumite ni PDEA Region-3 Regional Officer Juvenal Azurin, sinalakay ng mga tauhan ng PDEA at pulisya kasama ang mga barangay kagawad ang magkatabing bahay ng mga suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Sita Jose-Clemente ng Malolos City Regional Trial Court Branch 16.

Narekober ang dalawang malaking plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, motorsiklo at traysikel na kapwa walang plaka kung saan pinaniniwalaang ginagamit sa drug trade ng mga suspek.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with