Usapang Lalaki
Dear Vanezza,
Ako si Joseph at 17 years old. Lumaki ako sa single mom ko na laging nagtatanong kung virgin pa ako. Bilin sa akin ni nanay na dapat ay ikakasal akong virgin. Alam ko naman ‘yun. Kaso yung mga barkada ko, panay ang kuwento ng mga experiences nila. Wala naman akong maikuwento dahil alam kong bata pa ako. Pero minsan ay natutukso rin ako at curious. Minsan wish ko na may tatay ako para makapagtanong ng mga usapang lalaki na hindi ko masabi kay nanay. – Joseph
Dear Joseph,
Puwede rin naman sigurong kausapin mo ang lolo, tito, male teacher, pastor, o nakatatandang kamag-anak na close mo sa inyong pamilya na may magandang values. Para makapagtanong ng mga maseselang bagay. Pero subukan mo rin ang nanay mo. Malay mo may wisdom din si nanay mo na maisasagot bilang tatay din in the same time para sa iyo.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest