^

Krema

Krema (70)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TINAPOS ni Lex ang paliligo. Pero kahit nang pumasok na siya sa kuwarto at nagpupunas ng tuwalya sa katawan ay pakiramdam niya’y may mga matang nakatingin at nagmamasid sa kanya. Hindi kaya ang kaluluwa ng kanyang Tiyo Mon iyon?

Pero napangiti lamang siya. Hindi siya naniniwala sa multo. Produkto lamang ng imahinasyon ang multo. At saka bakit naman siya pagmumultuhan ng kanyang tiyo.

Nagbihis siya at lumabas ng kuwarto.

Tinawagan niya ang kanyang mama.

“Kumusta ka Mama?’’

“Okey lang Lex. Ikaw, kumusta ang lagay mo?’’

“Mabuti naman, Mama. Nasasanay na ako rito. Masarap ang buhay dito. Laging sariwa ang kinakain --- sariwang isda, gulay, prutas at masarap ang hangin. Walang pollution. Dapat dito ka na tumira Mama.’’

“Naku alam mo namang sanay ako sa siyudad. Di ba alam mo namang ang pamamasyal at pagkain sa mall ang bisyo ko. Hindi ako puwede diyan. Papasyalan na lang kita.’’

“Sige Mama.’’

“Asikasuhin mo ang mga naiwan ni Tiyo Mon mo.’’

“Opo. Bukas po ipasusungkit ko na ang niyog para makopra. Mahal ang kopra ngayon, Mama. Malaking pera ang kikitain. Sa isang linggo naman ay magpapaani na ako. Hinog na ang palay.’’

“Mabuti naman. Bahala ka sa pera. Ikaw naman ang namamahala. Siyanga pala, yung kaibigan ni Tiyo Mon mo na may magandang loob, nahanap mo na ba?’’

“Hindi pa po. Hayaan mo po at hahanapin ko Mama.’’
“Paano nga pala ang work mo rito sa Maynila. Di ba one month kang leave. Mag-iisang buwan ka na diyan di ba?’’

“Baka mag-resign na ako Mama. Mas mabuti pa rito sa probinsiya. Malaki rin naman ang kita.’’

“Sige, ikaw ang bahala, Lex. Ikaw ang namamahala kaya alam mo yan.’’

“Opo Mama. Ingat ka Mama.’’

Natapos ang usapan nila.

Nang mag-alas tres ng hapon, inakyat ni Lex ang niyog para kunin ang tuba.

Kayang-kaya niya. Sanay na sanay siyang umakyat. Balewala sa kanya.

Maraming naku-hang tuba si Lex. Uminom siya ng dalawang baso. Tama na iyon. Para lang pampainit. Ang na-tirang tuba ay magiging suka. Masarap na suka na sawsawan ng inihaw na hito at dalag.

Natulog siya nang maaga ng gabing iyon. Lingid sa kanya may umaaligid sa bahay.

(Itutuloy)

KREMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with