^

Pang Movies

Best actor pa naman Paolo umiiyak sa lungkot

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Best actor pa naman Paolo umiiyak sa lungkot
Paolo Ballesteros

Maraming naghanap kay Angelina Jolie, Julia Roberts, Beyoncé, Meryl Streep, pero walang dumating kahit isa sa kanila sa Gabi ng Parangal ng 42nd Metro Manila Film Festival na ginanap sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

May sakit pala ang Queen of Make-Up Transformation na si Paolo Ballesteros, si Trisha Echevarria ng Die Beautiful na idinirek ni Jun Lana.  Si Direk Jun ang tumanggap ng kanyang trophy at umiiyak daw sa lungkot si Pao dahil hindi siya nakadalo.

Hinanap din si Eugene Domingo ng Ang Babae sa Septic Tank 2 #Fore­verIsNotEnough na sa Italy nagpalipas ng Pasko hanggang sa New Year.  Present ang ibang nominees sa iba’t ibang category, like Ms. Nora Aunor, Rhian Ramos at very visible si John Lloyd Cruz na isa sa mga bumuo ng MMFF jury.

TV production ng Viva Entertainment ang namahala sa awards night na ang mga host ay sina Mark Bautista, Yassi Pressman, at Roxie. Mga Viva talent din ang nag-perform ng mga production number.

Narito ang mga winner:

Best Picture  - Sunday Beauty Queen

Best Director – Erik Matti (Seklusyon)

Best Actor – Paolo Ballesteros (Die Beautiful)

Best Actress – Irma Adlawan (Oro)

Best Supporting Actor – Christian Bables (Die Beautiful)

Best Supporting Actress – Phoebe Walker (Seklusyon)

Special Jury Award – Rhed Bustamante (Seklusyon)

Best Ensemble Acting – Oro

Best Screenplay – Seklusyon

Best Cinematography – Seklusyon

Best Editing – Sunday Beauty Queen

Best Musical Scoring – Saving Sally

Best Sound Design – Seklusyon

Best Theme Song – Francis de Veyra (Seklusyon)

Best Production Design- Seklusyon

Kids Choice Awards (Full Length)  - Saving Sally; Sunday Beauty Queen; Vince and Kath and James

Gat Puno Antonio Villegas Cultural Award – Sunday Beauty Queen

FPJ Memorial Award for Excellence – Oro

My Favorite Film/Audience Choice – Die Beautiful

Male Star of the Night – Ronnie Alonte

Female Star of the Night – Rhian Ramos

Shorts Category:

Best Screenplay – Mitatang

Best Direction – Jarell Serencio (Mga Bitoon Sa Siyudad)

Best Short Film: EJK

Special Jury Prize Shorts – Manila Scream

Best Short Film Made for Children – Passage of Time

Ipinahayag din na extended ang MMFF sa mga SM Malls hanggang January 8, sa halip na sa January 3 ito matatapos. Naniniwala silang makakatulong ang mga natanggap na awards ng mga pelikula para panoorin pa ito ng mga tao.

Hinihintay ng MMFF Execom at sagot ng Ro­binsons at Ayala Group kung ie-extend pa rin nila ang showing nila hanggang sa January 8.

Alden panata na ang mag-new year countdown

Mamayang gabi na ang taung-taong hinihintay ng mga tao na nagtutungo sa Mall of Asia para saksihan ang GMA New Year Countdown.  Naalala naming sinabi ni Pambansang Bae Alden Richards na simula nang pumasok siya sa GMA Network, taun-taon na siyang kabilang sa naghu-host at nagpi-perform doon. At ngayon, ika-anim na taon na niyang ini-enjoy ang Kapuso show nila at manood ng fireworks display. Titled Lipad Sa Bagong Taon, kasama niyang magho-host sina Andrea Torres, Julie Anne San Jose, Betong Sumaya, Dingdong Dantes at marami pang Kapuso stars na sasalubong sa New Year, 2017.  Pwede na kayong pumunta sa seaside ng MOA as early as 10:00 PM.

 

PAOLO BALLESTEROS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with