^

Punto Mo

Itigil na yan! Hindi na tayo Indio

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

KUNG magkakaisa lamang ang lahat ng Pilipino sa hangarin ni Pres. Rodrigo Duterte na itigil na ang korapsiyon  at  masasamang bisyo, madali nating makakamit ang pag-asenso ng bansa.  Malaki rin ang pinsala sa ekonomiya dulot ng gulo’ng  hatid ng animo’y korporasyon ng  MNLF, MILF, BIFF, ASG at Maute group. Quo vadis Filipinas?

 Nasanay na tayo na nakatingala sa malalaking bansa tulad ng US at Europa dahil naikondisyon ang isip natin na wala tayong kakayahan na  umasenso kung wala sila.  Kung ikukumpara ang Singapore at Taiwan noon sa Pilipinas ay di hamak na nauna tayong naging progresibong bansa kaysa kanila pero, dahil sa pulitika napurdoy  tayong lahat. Kalooy man kang Filipinas!

Pulitika rin ang gumulo sa US kamakailan lang, gayu’ng sila ang promotor ng mga ganitong laro sa buong mundo. Naliligaw din pala ang mga henyo? Napakialaman daw ang counting machines noong US election kaya nanalo si Trump “contraproducente”? Nag-boomerang din sa kanila ang bulok na sistema. Ouch!              

Sa  digmaan, walang nananalo manapa’y binabago pa nito ang  kultura ng isang bansa na nagreresulta sa pamumulubi kaya, nagiging hadlang ito sa pag-asenso ng isang bansa at nauuwi sa pangungutang at pagpapaalipin. Kung ganoon, dapat lamang talaga na mag-ingat sa pakikipagnegosasyon sa mga makapangyarihang bansa ang pangulo. Ika nga “Be wise!”

Bilyun-bilyon ang natatampalasang salapi ng bayan dahil sa droga at korapsyon sa gobyerno na nailalabas ng Pilipinas  sa pakikipagsabwatan ng mga tiwaling kawani ng mga bangko. Mga dalubhasang  money launderers sila na salot sa ekonomiya. Kaya, por pabor Presidente Duterte, enseguida, detener a los criminales!

 Nasakote  sa NAIA ang isang Rusyana na magpupuslit sana ng bulto ng cocaine. Halos isang bilyon na rin  ang nahuhuling droga ng  enforcement group ni BOC Com. Nicanor Faeldon mula nang manungkulan ito. Malaking tulong ito sa pakikipaglaban ng presidente  sa bawal na droga at smuggling. Magnifico!

BAKAS sa UNTv Verdad 1350KHz AM Band Radio La.. Sabado 5:00-7:00 p.m. www.untvradio.com/ph

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with