Anak ni Randy Santiago inaabangan sa pananakit ng anak ni Claudine!
Inaabangan ng mga intrigero at intrigera ang reaksyon ni Randy Santiago tungkol sa bintang ni Claudine Barretto na sinaktan ng kanyang anak na si Raphael ang only son ng aktres na si Santino.
Si Randy ang direktor ng Wowowin at busy siya sa kanyang trabaho pero tiyak na alam na niya ang mga pasabog ni Claudine sa social media.
Kahit celebrity din, napakapribadong tao pa rin ni Randy at kung kilala natin siya, mas pipiliin niya na manahimik at harapin na lamang ang anumang kaso na isasampa ni Claudine laban sa kanyang anak.
Ang panig pa lang ni Claudine ang naririnig ng madlang-bayan kaya gusto rin malaman ng mga tao ang side ni Raphael dahil nasa legal age na ito para magsalita at ipagtanggol ang sarili.
Huli kaming nagkita at nagkausap ni Randy sa studio ng Wowowin, six months ago. Nang mabanggit ang name ni Claudine, dedma siya kaya sure ako na ganito rin ang magiging attitude niya sa bagong isyu na sumusubok sa katatagan ng pamilya nila.
Direk Arlyn umalma sa panggagamit ni Baron!
Publicity good or bad is still publicity. Kita n’yo naman, biglang umingay ang indie movie na Bubog dahil sa away nina Baron Geisler at Ping Medina.
Iilan ang nakakaalam na may indie movie na ginagawa na Bubog ang title at naging aware lamang ang publiko dahil sa reklamo ni Ping na inihian ito ni Baron.
Gusto sana ng Bubog director na si Arlyn dela Cruz na pasalamatan si Baron dahil umingay ang kanilang pelikula pero nagkaroon siya ng matinding realization, ang panggagamit ni Baron.
Ito ang emote ni Arlyn na napagtanto na sinasadya ni Baron ang lahat para sa kanyang sariling kapakanan;
“After repeatedly reviewing in my mind the events of that entire day---I believe now that it’s even part of his plan to mess with that scene so that we could not use it for the film and that the brilliant portrayal of Ping will not be seen.
“He knew that it would require another shooting day to re-shoot everything and he knew, as every independent filmmaker knew, can cost a lot.
“Baron knew all these would be the end result of his surprise act.
“And I just realized, he has a movie coming out, that social experiment between him and Kiko Matos--the hamunan which we all believed to be true but was part of a documentary film pala.
“The only truth about that episode was the fight between them inside the ring. Everything else was planned. He was part of that scripted public brawl. And he is due to release a book.
“Gusto kong magmura. Ang sarap-sarap magmura ng pagkalutong-lutong. Nagamit kami sa promotion!
“Kami ba ang makikinabang sa lahat ng ito? Siya lang.
“But know this. Kung sino kami bago mo ginawa ang ginawa mo, mananatili kaming ganun.
“Masaya ang buhay at kinikilala ang pagpapala sa buhay na pansamantala.
“By God’s grace I survived a hostage crisis.
By God’s grace I survived stage 3 cancer of the colon. Tao ka lang. Ang pangalan mo pa Baron.
“Sincerely, a public appeal to his relatives. Ipagamot ninyo na si Baron. Sa mga matagal na niyang kaibigan, tulungan ninyo na. Iba na ang utak niya. Alcohol and anti-depressant pills and God knows what else he’s taking...He needs help.
“Hindi niya kami tunay na nasaktan kung inaakala niya. Ang sarili niya ang winawasak niya--paulit-ulit,” ang mga emote ni Arlyn na nagpapatotoo na for publicity lamang ang mga eskandalo na sinasadya ni Baron na gawin na matagal nang suspetsa ng mga wais na Pinoy na hindi basta nagpapasindak sa mga drama ng pasaway na aktor.
- Latest