Dabarkads maaga ang Pamasko
Maaga ang Pamasko ng noontime show na Eat Bulaga. May hashtag itong #GiveLoveOnChristmasDay at nagsimula na silang mamigay ng Pamasko noong Wednesday, November 9.
Ang naiiba rito, nagpapasulat sila sa studio audience ng wish nilang matanggap sa Pasko, at right there and then ay bibilhin ang wish ng dalawang studio audience na mabubunot nila. Noong first day, si Dabarkads Ryan Agoncillo ang bumili ng Christmas gifts. Kahapon, dahil birthday ni Pauleen Luna-Sotto, siya naman ang bumili ng Christmas gifts.
Alden niregaluhan ng kuwintas si Maine
Nag-date at ipinasyal ni Alden Richards ang wife na si Maine Mendoza sa kalyeserye dahil baka raw nasu-suffocate na ito sa bahay. Doon sila sa gazeebo ng Broadway Studio at may ibinigay na gift si Alden, isang necklace at nasa locket nito ay wedding picture nila.
Explanation ni Maine sa mga lola, anemic lamang siya kaya hinimatay noong isang araw, pero may maganda na nga raw silang balita para sa mga lola na ibubunyag.
Buntis na ba ang bagong misis? Cogie matagal natengga
Isa sa mahuhusay na artista ng kanyang panahon si Cogie Domingo kaya maraming nagtaka nang pansamantala siyang huminto matapos ang ilang buwan na hindi napanood sa movies at television. Kaya maraming nagulat nang bumulaga si Cogie, na ang guwapo-guwapo pa rin, sa isang eksena ng Someone To Watch Over Me as Ian Villanueva. Magiging third wheel nga ba siya nina Joanna (Lovi Poe) at TJ (Tom Rodriguez)?
“Na-miss ko rin ang pag-arte at thankful ako sa GMA na isinama nila ako sa magandang series na ito at si Direk Maryo J. delos Reyes pa ang nagha-handle muli sa akin.”
Si Ian ay athletic din gaya ni TJ, mahilig sa basketball, nagti-trekking at marunong lumangoy. May mina-manage siyang coffee shop na malapit sa village nina TJ at Joanna. At doon niya na-meet ang mag-asawa at nagpasimula ng isang magandang friendship.
- Latest