^

Police Metro

Karen naminsala ng P3 bilyon sa agrikultura

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang humigit kumulang na P3 bil­yon ang pinsala sa agrikultura ang iniwan ng bagyong Karen sa Central Luzon, Southern Tagalog  at Cordillera Administrative Region (CAR), ayon sa ulat ng mga opisyal kahapon.

Sa report ng Office of Civil Defense (OCD) Central Luzon Director Josefina Timoteo, nasa  P2,141,402,135 bilyon ang napinsala sa agrikultura mula sa mga lalawigan ng Aurora, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.

Naitala naman sa 39 barangay sa mga apektadong lalawigan ang lubog pa rin sa baha na nakaapekto sa 17,157 pamilya o 80,458  katao ang naapektuhan at nasa 3,864 kabahayan ang nawasak at napinsala.

Pinakagrabeng naapek­tuhan ng bagyo sa Central Luzon ay ang lalawigan ng Aurora na nasira ang mga pangunahing kalsada. Nasa sampung kalsada naman sa Nueva Ecija at limang tulay sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija ang sarado sa trapiko.

Iniulat naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mina Marasigan, naitala sa P572,840,531.31 ang pinsala  ng bagyo sa agrikultura sa Region V at CAR.

Nabatid pa na apektado rin ang suplay ng kuryente at mahina o pawala-wala ang signal ng komunikasyon sa mga lugar na grabeng hinagupit ng bagyong Karen kabilang sa lalawigan ng Aurora at Nueva Ecija.

 

vuukle comment

BAGYONG KAREN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with