‘Hugas-kamay sa isyu’
HINDI matukoy ang totoong motibo at sino ang target ni Sen. Ralph Recto sa kanyang mga sinabi sa media.
Ang mga dilaw na sangkaterbang hipokrito at naghuhugas-kamay o ang mga tao at mga nasa bakod ng administrasyon.
Nakalimutan yata ng senador kung saan siya nakatayo. Silang mga nasa oposisyon ang nag-umpisa ng ingay. Nagsampa ng impeachment case laban sa Presidente sa Kongreso. Inuudyukan nila ang tao para magalit sa administrasyon. Kaya nga pilit silang gumagawa ng paraan para mapansin ng international community.
Tama ang sinabi ni Recto. Magiging katatawanan ang Pilipinas kung maisasakatuparan ang impeachment pareho laban kay President Duterte at VP Robredo. Wala namang masama kung magsampa ng impeachment case ang mga mambabatas. Political exercise nila ‘yan.
Kung talagang may basehan at tatayo ang kaso, puwede nilang gawin anumang oras. Pero kung sa umpisa palang alam na nilang walang tsansa tulad ng ginagawa ng mga dilaw ingay lang yan.
Tutal, Sen. Recto nagsalita ka na rin lang pagsabihan mo ang mga pakawala at asong ulol ninyong mga kaalyado sa Kongreso at Senado. Imposibleng hindi mo ‘yan alam.
Hindi tao ang mag-i-impeach. Laro n’yo yang mga pulitiko. Pumasa man o hindi dahil kulang kayo sa numero, kayo ang magiging katawa-tawa hindi ang mga tao.Kung talagang ayaw mong mapahiya at maging laughing stock, sabi mo nga ang Pilipinas pagsabihan mo ang mga dilaw.
Hindi ‘yung patraydor kang nagsasalita. Nagmamalinis, kunwari walang alam at kabahagi lang ng ingay.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa mga palabas ng BMUI, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.
- Latest