^

PSN Opinyon

‘Sacred cows be like…’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ISINUSULONG ng Liberal Party sa hukuman na payagang dumalo sa Senado si Sen. Leila De Lima sa mga critical sessions partikular sa isyung death penalty.

Ang hakbang ay pinangunahan ng LP Senators na sina Franklin Drilon, Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros at ang pinaka-pamosong si Sonny Trillanes III.

Kasalukuyang pananaw pa rin ng LP, hindi pa sentensiyado ang senadora kung kaya’t puwede siyang lumabas sa kaniyang piitan sa Camp Crame at sumama sa anumang sesyon

Malupit sila kay dating Pres. Gloria Macapagal Arroyo­ (GMA) noon. Habang nakaupo bilang Secretary of Justice si De Lima, binawalan niya si GMA na gumamit ng laptop, cell phone, at anumang gadget.

Subalit hindi nila naringgan ng anumang reklamo ‘yung ale.

Ngayong baliktad na ang mundo at si De Lima ang ang nasa piitan habang nilalasap ang lupit ng karma, umaatungal ang mga kapartidong senador.

Saan kayo kumukuha ng tibay ng loob at tatag ng sikmura para kumiyaw-kiyaw ng ganito?

Aba’y kung ganoon ay isama na rin si Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada para talagang kum­pleto ang mga senador sa paggawa ng batas sa Pili­pinas. Pare-pareho naman silang senador at mga naka­kulong din sa Crame eh di sama-sama na para every­body happy!

That is your problem LP, you think that you are always entitled! You think you are the one on the mainstream!

Well, kayo na ang sacred cows be like. Mga feelingero­ na dapat laging may espesyal na pribelehiyo sa inyong partido.

Naalala n’yo ‘yung sinasabi ng dati n’yong amo?  “Saan kayo kumukuha ng kakapalan ng mukha?” – para sa inyo ‘yan LP!

LIBERAL PARTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with