^

Pang Movies

Mag-amang Piolo at Inigo wa paki sa mga nandidiri sa kanilang smack

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Associated Press

Umariba na naman ang mga basher ni Piolo Pascual at iniintriga na naman ang na-post na video nila ng anak na si Inigo Pascual kung saan ay makikitang nag-smack sila sa lips at nag-hug as a sign of affection between father and son.

Kadiri ang mga basher na ito na talagang nilalagyan ng malisya ang hindi naman dapat lagyan ng malisya.

Good thing, marami rin namang nagtatanggol na netizens sa mag-ama at nagkokomentong wala naman silang makitang masagwa sa video at pinupuri pa nga ang closeness at pagka-sweet ng mag-ama.

And in fairness to Piolo and Inigo, dedma lang sila sa mga basher na may maruruming pag-iisip at hindi nila pinapatulan ang mga ito.

Mas nakakabilib si Inigo na napakalawak ng pang-unawa at his young age considering na bagu-bago pa lang ito sa showbiz at hindi pa sanay sa intriga.

Kung iba ‘yan, baka nagpakita na ng pagkapikon at baka napatulan na ang mga bashers. Ibig lang sabihin nito ay maganda ang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang, di ba naman?

Dingdong at Marian ‘di matuluy-tuloy sa Spain

Nakasingit talaga ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na mag-out of the country nitong week na ito at nagpunta sila ng Japan na siyempre, kasama ang kanilang unica hija na si Baby Zia.

Long overdue na nga itong bakasyong ito at noon pa nila pinaplano pero ngayon lang natuloy since may oras ngayon ang mag-asawa dahil katatapos lang ni Dong ng kanyang Alyas Robin­hood teleserye at once a week lang naman ang kanyang bagong show na Case Solved.

Kinarir talaga nilang matuloy na ang bakasyon bago sumabak sa bagong drama series si Marian.

Panay nga ang post nina Dong at Yan ng kanilang tour sa Japan ng larawan nilang mag-anak. Super cute si Baby Zia sa kanyang mga outfits na may hashtag pa na aroundZworld at halata namang nage-enjoy ang bagets.

Pero nasa plano pa rin ng Kapuso Royal Couple na pumunta ng Spain kapag nakaluwag-luwag sa schedule para bisitahin ang pamilya ni Marian. Matagal na rin nilang plano ito pero hindi nga rin matuluy-tuloy dahil sa busy schedule nila.

Zanjoe at Bela pinu-push Kahit ayaw tumigil ng intrigang nagkakamabutihan na sila, dedma lang sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla na bida sa My Dear Heart (MDH) at ine-enjoy lang nila ang bawat moment ng kanilang pagti-taping lalo na nga’t napakaganda ng feedback sa kanilang teleserye at sa paganda nang pagandang kwento nito.

Mas magiging matindi pa ang mga kaganapan sa MDH ngayong isang malaking plano ang nagbabadyang sumira sa reputasyon at pamilya ni Dra. Margaret (Coney Reyes), na hindi dapat palamapasin ng mga manonood.

Gabi-gabing inaantabayanan ng mga manonood ang serye hindi lang dahil sa magaling nitong cast, kung hindi pati na rin sa aral na ibinabahagi nito.

Ipinapakita nito ang walang hanggang pagmamahal at sakripisyo ng mga magulang para sa kanilang mga anak, maging ang kahalagahan ng pamilya lalo na sa panahon ng sakuna. Isang magandang ehemplo rin ang mga batang bida ng serye na nagpapakita ng kagandahang asal at takot sa Diyos.

vuukle comment

PIOLO AT INIGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with