^

PSN Showbiz

Female group papalit-palit ng miyembro dahil sa lider na laging bida

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Marami palang kuwentong nakapaloob sa isang kilalang grupo ng mga kababaihan na pakembut-kembot sa entablado. Nagpapatalbugan sila sa kaseksihan, para silang mga bulateng kiwalan nang kiwalan sa stage para mang-engganyo ng mga kalalakihan, ganu’n ang kanilang trabaho.

Hindi lang sila sexy, magaganda rin sila, kaya kapag may show ang grupo ay talagang sinasadya sila ng mga kalalakihan. Pampainit sila ng katawan.

Pero may mga kuwento pala sa likod ng kanilang popularidad, matindi pala ang intrigahan sa loob ng tropa, na ang pasimuno ay ang kanilang leader kuno.

Para silang tatlong bibe na may pinaka-leader, siya ang nagmamando ng kung ano ang dapat nilang gawin sa entablado, isang utos ‘yun ng hari na hindi puwedeng mabali ng kahit sinong miyembro.

Kuwento ng aming source, “Kung ano ang gustong mangyari ni ____(pangalan ng sexy singer-dancer na leader ng grupo) ang dapat masunod. Walang puwedeng kumontra sa mga ipinag-uutos niya.

“Kapag sinabi ng girl na kailangan, sa part na ‘yun ng kanilang kanta, e, kailangan nilang gumapang, para talaga silang mga isda na kailangang mag-swimming sa stage kahit walang tubig!

“Kapag hindi nila ‘yun sinunod, e, siguradong talak ang aabutin nila sa kanilang leader, may suspension pa siyang pinaiiral sa kanyang grupo. Walang sayaw, walang talent fee ang dancer!” sabi ng aming impormante.

Pero kapag pala naman nakakakuha na ng atensiyon ang dancer, kapag ito na ang pinagpipistahan ng mga kalalakihan, biglang inaatake ng insecurity ang leader nila. Ayaw na ayaw pala niya na may nakakakabog sa kanya sa grupo.

“Matindi ang insecurity ng leader ng tatlong bibe! Ayaw na ayaw niyang may member ang grupo nila na nireregaluhan ng kung anik-anik ng mga supporters at customers ng mga bar na pinagsasayawan nila!

“Nagmamarakulyo siya, nagagalit dahil sa pagkainsekurida, kaya pala papalit-palit ang mga members ng grupo niya! Umaalis na lang ang mga girls kesa naman sa mabubuwisit ang buhay nila!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alden inaabangan ng mga sosyal na kapitbahay!

Kahit pala nakaospital na si Alden Richards ay ang kanyang mga kompromiso pa rin ang laman ng kanyang utak. Nahihiya siya dahil hindi siya nakatupad sa kanyang mga natanguang trabaho.

Palaging ‘yun ang inaalala niya, kaya ang payo ng kanyang mga doktor, tanggalin niyang lahat sa isip niya ang ganu’n para tuluyan na siyang lumakas.

Wala nga namang gamot ang stress. Pahinga lang talaga ang katapat ng ganu’n. Pero kung nasa ospital na nga siya ay nagpapaka-stress pa rin si Alden ay walang mangyayari sa kanyang pagpapaospital.

Mabuti naman at nakinig na si Alden sa payo ng kanyang mga doktor. Hubarin niyang lahat ang kanyang mga alalahanin, kapag lumakas na siya ay puwede pa naman siyang bumawi, nakaganda ‘yun sa kanyang  kundisyon.

Kargado na naman ang kanyang katawan ngayon, punumpuno na naman siya ng energy, may armas na naman siyang panglaban sa sangdamakmak niyang trabaho.

Pero sana’y huwag naman niyang samantalahin ‘yun, kailangang magpreno ang Pambansang Bae sa sobrang puyat at pagod, dahil kung hindi ay siguradong sa ospital na naman ang kanyang ending.

Nakakaaliw ang kuwentong nakarating sa amin nu’ng isang araw. Siyempre’y alam na ng mga taga-subdivision na du’n nakatira si Alden, markado na nila ang kanyang bahay, kaya tinitiyempuhan siya ng kanilang mga kapitbahay.

Kuwento ng aming kaibigan, “Biglang dumami ang nagwo-walk ng mga aso nila sa mismong tapat ng house nina Alden! Dati naman, e, walang ganu’n, pero nu’ng lumipat na sina Alden sa bagong house nila, aba, marami nang nag-aabang na makita siya!

“Kaso, wala namang routine ang pag-uwi at pag-alis niya ng bahay, paiba-iba ng oras, kaya ang mga nagwo-walk ng dogs nila sa area nina Alden, nganga!” tawa nang tawang kuwento ng isang ka-subdivision ng guwapong aktor.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with