^

Pang Movies

Nangyari kay Sharon, hindi raw sinasadya!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi namin personally napanood ang pagsisimula ng bagong season ng The Voice Kids noong Sabado at Linggo ng gabi. In fact, nakita na lang namin ang video nang hanapin namin matapos na makita ang social media post ni Lea Salonga na nagsasabing hindi raw scripted, o hindi talagang binalak ng show, iyong nangyari sa upuan ni Mega­star Sharon Cuneta.

Nang dapat ay haharap na sana siya sa kumakantang contestant, natuluy-tuloy ang ikot ng kanyang inuupuang silya, kaya ang ginawa niya ay dumukwang na lang para nakaharap pa rin siya sa kumakanta. Binibiro siya ni Bamboo na “she changed her mind”.

Iyang mga ganyang aksidente, nangyayari talaga iyan sa mga show. Lalo na nga iyong ganoong klase ng props. Hindi kasi karaniwan iyon. Minsan kahit na mahusay ang pagkakagawa may nangyayari talagang hindi maganda. Eh iyon pa bang ganoon ang sasabihin mong hindi magkakaroon ng problema. Minsan nga iyong mga damit na suot mismo ng mga artista napupunit, o kaya naman ay bumubuka nang hindi naman sinasadya. Nangyayari talaga iyan lalo na nga kung live ang programa.

Iyong iba naman, lalo na at taped, ine-edit iyon para hindi na makita ang kapalpakan on air. Mayroon namang iba na ipinapalabas pa rin, after all nangyari nang hindi naman sinasadya.

Sinasabi nga kasi nila mas nagiging natural iyon dahil nakikita kahit na ang mga pagkakamaling ganoon, after all wala naman talagang perfect show. Nangyayari iyan.

Pero siguro nga, sa lahat nang nakita nating pagkakamali sa telebis­yon ay iyong nangyari noon sa show ni Willie Revillame. Game show pa naman iyon, tapos nagkamali siya ng bunot sa answer slot. Ano man ang gawin mong paliwanag doon, ang iisipin ng audience ay may daya ang game. Inim­bestigahan iyon pero wala ring nangyari. Talaga namang iyang mga game shows, alam ng mga host kung sino ang mana­nalo. Kung minsan nga lang, nagkakamali sila.

Daniel kinakawawa na!

Bakit nga ba ngayon parang naging nega ang dating ni Daniel Padilla? Noong isang araw may kumalat sa internet na isang post na talagang nakakasira sa kan­ya, pero kung titingnan mo naman ang link, iba ang lumalabas at hindi ang naka­kasirang kuwento.

Ibig sabihin talagang ginawa iyon ng nag-post para makatawag lang ng pansin pero walang kuwentong ganoon talaga.

Maski anong tingin ang gawin mo, tiyak na ang nag-post noon ay sanay sa computers at sa social media blogging, dahil hindi iyon magagawa ng karaniwang internet user lang.

Minsan maaawa ka rin kay Daniel. Hindi maikakaila na totoong bumaba ang kanyang popularidad. Malaki ang nabawas sa kanyang kasikatan. Tapos kung kailan pa nangyayari iyon at saka pa lumalabas ang mga paninirang ganyan sa kanya, na masyadong personal.

Iyong pagbaba ng popularidad ni Daniel, sa palagay namin iyon ay dahil nawala na lang ang matin­ding emotions. Wala na iyong euphoria. Ang natitira na lang ngayon ay iyong mga totoong fans na lang ni Daniel. Iyong mga nakikiuso lang noong araw, siguro nga nakikiuso na sa ibang mga artista naman sa ngayon.

May mga ganoon naman talaga. Kung sino ang iniisip nilang sikat, kung sino ang bagong pinagka­kaguluhan, doon naman sila. Kaya nga sinasabing ang talagang popularidad ng isang artista ay masusukat kung nag-settle na ang kanilang popularidad sa totoong level.

Ngayon nga lang, mas sigurado siya. Hindi kagaya noon na ang tindi ng tilian sa kanya pero may mga nasamahan siyang gaya ng pelikula nila ni Robin Padilla na hindi rin kumita. Tapos talunan pa ang manok niya noong eleksiyon.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

KRIS AQUINO

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with