^

PSN Opinyon

Tito Sotto: ‘The joke is in you’

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NAKALIMUTAN na yata ni Sen. Tito Sotto na hiwalay ang kanyang pagiging komedyante at senador ng Pilipinas. Sinong mag-aakala na ang seryosong pagpupulong ay hahaluan niya ng joke. Akala siguro ni Sotto ay nagpo-promote siya ng pelikula at nakalimutan na nasa meeting pala siya ng CA. Hindi man lang niya naisip na ang puwesto niya sa Senado ay magkaiba sa kanyang pagka-komedyante. Bugbog sarado tuloy siya ng batikos sa social media pati ang kanyang anak na hiwalay sa asawa ay dinamay din. Hindi ko akalain na aakusahan niya si DSWD Sec. Judy Taguiwalo na “na-ano lang” dahil nagkaroon ng anak pero walang asawa.

Eto na nga ba ang sinasabi ko, kailangang pumili tayo ng mga taong nararapat para sa posisyon hindi ‘yung dinadaan sa popularidad. Huwag n’yo nang iluklok sa susunod na halalan ang ganitong klaseng tao na kahit seryosohan ang usapan ay nagagawa pa ring magbiro hindi lang basta biro may halo pang insulto. Ngayon maraming kandidato ang nanalo nung nakaraang eleksiyon dahil sa kanilang mga popularidad.

Huwag nating pakialaman ang pribadong buhay ng isang tao kasi labas naman ang personal na buhay ni Sec. Judy sa kanyang trabaho. Trabaho lang walang personalan. Katulad ng ginawa ng ilang kongresista kay Sen. Leila de Lima at sa kanyang driver di ba pinagpistahan din ng ilang mambabatas ang kanyang pribadong buhay na labas naman sana sa mga kasong ipinukol sa kanya? Bigyan naman natin ng pagkakataong itama ang kanilang mga nagawang pagkakamali sa kanilang buhay. Hindi naman porke’t single parent na si Sec. Judy ay hindi puwedeng maglingkod sa gobyerno.

Sana maging aral sa iba pang mga mambabatas ang nangyari kay Sotto na nilait-lait sa social media dahil sa kanyang matabil na dila.

SEN. TITO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->