Sirang Tiyan
Sobrang sakit at kadalasang may kasamang pagtatae ang pagkasira ng tiyan. Maaari itong magtuluy-tuloy sa seryosong problema kapag hindi naagapan ng solusyon. Maraming sanhi ng pagkakaroon ng sirang tiyan tulad ng food poisoning, impeksyon, allergic reaction, overeating, sobrang stress, sobrang pag-inom ng alak, motion sickness, side effect ng gamot, gastrointestinal disease o kahit pagbubuntis.
Narito ang ilan sa maaaring gawin para masolusyunan ang sirang tiyan.
1. Uminom ng pinaghalong kalahating kutsaritang dry ginger powder at isang tasa ng buttermilk apat na beses sa isang araw sa loob ng dalawang araw.
2. Uminom ng isang baso ng tubig na hinaluan ng isang kutsaritang apple cider vinegar pagkatapos kumain. Gawin ito hanggang mawala ang pananakit ng tiyan.
3. Kumain ng tatlong tasa ng yogurt araw-araw hanggang hindi na makaramdam ng pananakit.
4. Uminom ng isang basong buttermilk na may dinurog na saging tatlong beses kada araw sa loob ng dalawang araw.
5. Magpakulo ng tig-1 kutsaritang chamomile flowers at peppermint leaves sa isang tasang tubig sa loob ng 15 minuto. Salain ito at lagyan ng 1 kutsaritang honey. Inumin 3 beses sa isang araw.
6. Uminom ng cinnamon tea apat na beses sa isang araw sa loob ng dalawang linggo.
7. Ngumuya ng 1 kutsaritang fennes seeds kada araw pagkatapos kumain.
- Latest