^

PSN Palaro

Perlas inilaglag ang Power Smashers

Pilipino Star Ngayon

 Laro sa Martes (The Arena)

1 p.m.  Cignal vs Café Lupe (Men’s)

4 p.m.  Pocari Sweat vs Perlas (women’s)

6:30 p.m.  Power Smashers vs Creamline (women’s)

MANILA, Philippines - Naitakas ng Perlas ang pahirapang 29-31, 24-26, 25-19, 25-23, 21-19 panalo laban sa Power Smashers upang masolo ang ikalawang puwesto sa Premier Volleyball League Reinforced Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sumulong ang Lady Spikers sa 2-1 para sa No. 2 spot.

Nauna nang iginupo ng Perlas ang paboritong Creamline sa kanilang u­nang laro bago yumuko sa Phl Air Force sa ka­nilang sumunod na asignatura.

Bumagsak sa 1-2 ang Power Smashers para sa­luhan ang Lady Jet Spikers na may parehong rekord.

Nasa unahan naman ang BaliPure na may ima­ku­ladang 3-0 marka.

Nanguna sa atake ng Lady Spikers si dating University of the Philippines standout Kathy Bersola na may 13 attack points at limang blocks habang naramdaman din ang lakas ni dating Adamson player Amanda Villanueva na may 18 markers kasama ang 14 digs.

Sa Spikers’ Turf, nasungkit ng Philippine Army ang ikalawang sunod na panalo matapos payukuin ang Café Lupe sa pamamagitan ng 25-20, 25-18, 25-19 desisyon.

Sumalo ang Troopers sa unahan ng standings ka­sama ang Sta. Elena tangan ang malinis na 2-0 kartada sa torneong suportado ng Mikasa at Asics.

Nanguna para sa Troo­pers sina skipper Benjaylo Labide, Michael Reyes at Jayvee Sumagaysay na may tig-walong puntos.

Nakalikom ang Troo­pers ng 26 puntos mula sa attack line kumpara sa 21 lamang ng Sunrisers.

Umani rin ng 9-5 bentahe sa blocks ang Army sa 62 minutong paglalaro.

Sumandal naman ang Café Lupe kina Joshua Barrica at Kevin Liberato na may pinagsamang 17 puntos subalit hindi ito sapat para dalhin ang kanilang tropa sa unang panalo.

Laglag sa 0-2 ang Cafe Lupe. 

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with