^

Bansa

VM Joy Belmonte, NGO’s magtutulungan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapit-bisig na ang ibat-ibang NGO organizations at si Quezon City  Vice Mayor Joy Belmonte sa pagkalinga sa mga biktima at survivors ng mga pang-aapi at karahasan sa lungsod.

Ito ay makaraang lumagda sa isang memorandum of agreement si Belmonte sa pagitan ng Salvation Army Bethany Children’s Home, Kaisahang Buhay Foundation,Womens Care Center at Social Development Research Center para palakasin pa ang tulong at proteksiyon na ipagkakaloob sa mga inaabusong mamamayan.

Sa ginanap na moa signing sa QC protection Center building sa compound ng QC General Hospital, sinabi ni Belmonte na ang pakikipagkasundo sa hanay ng NGOs ay panimula pa lamang para higit na mabigyan ng atensiyon, kalinga at malasakit ang mga taong nakakalimutan na ng iba at nalalabag ang karapatan.

Sa ngayon, may 980 abuse persons ang kinakanlong ng Protection Center na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Belmonte na may edad mula 9 hanggang 18 anyos. 

Karamihan umano sa kanila ay minolestiya, inabuso, sinaktan ng magulang, hinalay, inabandona ng pamilya at iba pa.

Sa loob ng center ay libre din ang medical assistance tulad ng laboratory services sa QC General Hospital, legal assistance, counselling at iba pa.

 

JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with