^

True Confessions

Damo sa Pilapil (55)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ININGATAN ni Zac na huwag magising si Mam Dulce kaya dahan-dahan ang ginawa niyang pagbababa rito sa kama. Mabuti nga at nakatulog si Mam para lubusang mawala na ang panana­kit ng ulo. Baka nakabuti ang pag-inom ng gamot sapagkat lalong nahim­bing sa pagtulog.

Nang maibaba sa kama, iniayos ni Zac ang katawan ni Mam. Inilagay nang maayos ang unan. Nilagyan pa ng dalawang unan sa magkabilang gilid para lalong mahim­bing. Inayos ang pagkakakumot.

Nang inaakala niyang wala nang dapat ayusin sa pagkakahiga ni Mam ay ipinasya na niyang lumabas. Pero nagbago ang pasya niya at nanatili sa kuwarto. Baka biglang magising si Mam at may iutos sa kanya. Baka pupunta sa comfort room ay mahirapang bumangon. Ka­ilangang alalayan.

Ipinasya niyang maupo sa silya. Maghihintay siya ng mga 30 minutes. Kaila­ngang makita siya ni Mam sa pagbubukas ng mga mata nito.

Habang nakaupo sa silya ay napagmasdan na naman ni Zac si Mam. Hindi nagbabago ang anyo nito. Maganda pa rin sa kabila na may edad na. Napanatili ni Mam ang kaakit-akit na anyo. Gustung-gusto niya ang kaanyuan ni Mam. Dahil kaya mabait ito sa kanya kaya ganoon na lamang ang kanyang pagkaakit dito.

Napagmasdan niya ang labi ni Mam. Manipis na manipis. Katamtaman ang tangos ng ilong. Katamtaman ang lago ng kilay. Ito ang kaganda­hang walang pingas. Hindi katulad ng ibang babae na walang kasiyahan sa kanilang kaanyuan at gustong iparetoke.

Matagal pa niyang pi­nagmasdan si Mam. Ano itong nangyayari sa kanya? Ano itong nararamdaman niya kay Mam Dulce?

(Itutuloy)

DAMO SA PILAPIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with