‘Una ang Pinoy’
TANGKILIKIN ang sariling atin. Ito ang madalas nating marinig. Pagkain, mga damit, gamit, pelikula o concert man ng mga artist ang pag-uusapan.
Ilang foreign artist na ang nag-concert sa ating bansa at halos lahat ng ito ay dinumog ng mga tao. Kapag ang local artist ang nagsagawa ng concert may ilang tila nilalangaw.
Ang pinakabagong magdadaos ng concert sa Pilipinas ay ang Coldplay kung saan 35,000 tickets na ang nabebenta. Pinakamalaking bilang sa lahat ng nag-concert ngayong taon.
Nung mga nakaraang taon ay umalma na ang Organisas-yon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) nang magkaroon ng sunud-sunod na concert ng foreign artist dito sa bansa.
Mas mababang amusement tax umano ang sinisingil sa mga ito kung ikukumpara mo sa mga local concerts. Hiniling nila na matulungan ang industriya sa pamamagitan ng pagbaba ng amusement tax.
Kung ihahambing mo din ang presyo ng ticket ng local artists at ng foreign artists di hamak na mas mahal ang benta sa foreign artist.
Inilalaban din noon ng OPM na magbayad ng kaukulang halaga ang mga foreign artist sa bansa dahil kung ang mga Pilipino ang magko-concert sa abroad ay may mga binabayaran din sila.
Ngayong taon ay nakatakda ring magdaos ng kanyang concert si Britney Spears na ang pinakamahal na tiket na mabibili mo ay aabot sa mahigit Php28,000 at ang pinakamura naman ay nasa Php2,600.
Ano na ang nangyari sa OPM na isinusulong nila noon na ma-regulate ang foreign artist dahil nawawalan na ng trabaho ang mga Pinoy.
Sa oras na mag-concert ang foreign artist sa bansa siguradong mawawalan ng manonood ang ating local artist.
Hindi naman lahat ng tao ay papanoorin ang lahat ng concert sa bansa lalo na kung napakamahal ng ticket na huli nilang binili.
Mabuti ring matulungan natin ang OPM at tangkilikin natin ang ating mga kababayan dahil ang mga Pilipino ay likas namang talentado.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
- Latest