^

Punto Mo

Hirit ng gambling lords, ibaba ang PMRR ng STL!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Dahil sa tra-gedy sa Taytay, Rizal kung saan 15 estudyante ang namatay, sinuspende ng Department of Education (Dep-Ed) at Commission on Higher Education (CHED) ang field trips ng mga eskuwelahan sa buong bansa. Ang katwiran ng Dep-Ed at CHED sa suspension ay upang bigyan-daan ang review ng namamayaning policy sa mga educational excursions. Subalit mukhang hindi narinig ng pamunuan ng De La Salle Junior High School sa Dasmariñas, Cavite ang panawagan dahil nag-set sila ng educational tour sa Cavite-Manila-Cavite sa Marso 23. Sa parental consent form na ipinadala sa mga parents ng bata, nangako ang liderato ni Cristina Padilla, director ng DLS junior high school, na sila ay mag-“exhaust all possible means to give him/her necessary ins­tructions to observe care, propriety and safety at all times.” Suba­lit may karugtong ito kaagad na “and that DLSU-D junior high school employees may not be held liable for any untoward incident happening beyond control.” Hehehe! Naghugas kamay kaagad ah. Naging viral na itong parental consent form sa social media kaya’t ang tanong ng mga magulang sa CHED at Dep-Ed, kung exempted ba itong DLSU junior high school sa suspension nila ng field trips? Ano na ang nangyari sa review nila ng field trip policy matapos ang Tanay tragedy, kung saan ang mga pamilya ng mga nasawi at nasugatan ay hindi malaman kung ano ang gagawin para maparusahan ang bus management na kinontrata ng eskuwelahan nila? Malinaw pa sa isipan ng mga magulang ang footages sa TV, at balita sa diyaryo at radio ukol sa insidente sa Tanay kaya nag-alala sila na baka may masamang mangyari sa mga anak nila at sino ang mananagot? Boom Panes! Sana matuloy ang educational tour ng DLSU junior high school para sumaya, hindi lang ang mga estudyante dahil wala silang pasok, kundi maging ang mga school authorities dahil marami silang mapuntahan sa Manila. Tumpak! Hehehe! Magkano kaya ang bayad?

* * *

Dapat lang mabahala si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Jose Jorge Corpuz dahil hindi pinapansin ng gambling lords ang mga pananakot n’ya. Sinabi kasi ng mga kosa ko na hanggang sa ngayon ay wala pang nagsumite ng kani-kanilang Presumptive Monthly Retail Receipt (PMRR) ang gambling lords sa Luzon kahit dalawang linggo nang pumaso ang deadline na ibinigay ni Corpuz sa kanila. Kung sa Mindanao at Visayas ay nag-umpisa na ang expanded small town lottery (STL) ng PCSO subalit sa Luzon ay nangbingi-bingihan lang ang gambling lords kay Corpuz at sa sulsultants niya? Matigas ang ulo ng mga gambling lords sa Luzon o intiendido lang sila sa pamamaraan ng STL at sa bookies nito na jueteng? At higit sa lahat, pati ang Philip­pine National Police (PNP) ay bulag, pipi at bingi sa kautusan ni Corpuz na magsagawa ng all-out war vs illegal gambling, di ba mga kosa? Hak hak hak! Mukhang naiwan sa kangkungan si Corpuz ah?

Ang huling balita ng mga kosa ko ay humihingi ng meting ang mga gambling lords kay Corpuz para hilingin sa kanya na babaan ang PMRR para makayanan nila. Itong PMRR kasi ang gagawing basehan ni Corpuz kung magkano ang magiging bond ng prankisa ng expanded STL sa isang probinsiya. Halimbawa kung ang bond ni Cesar Reyes sa Batangas ay aabot sa P125 milyon, presto magbabayad pa siya ng 25 percent o halos P30 milyon bilang authorization fee na hindi na maibalik sa mga gambling lords. Paano kung maligwak ang administration ni Pres. Digong, dahil ayon kay   Sen. Antonio Trillanes ay hanggang Mayo na lang siya, eh di lugi na ng milyon ang mga gambling lords, di ba mga kosa? Saan hahabulin ni Reyes ang P30 milyon dahil hindi naman maipali-wanag ni Corpuz kung kanino bulsa mapupunta ang pitsa. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba Sir Corpuz?

Kapag patuloy na iisnabin ng gambling lords si Corpuz, dapat lang siyang mag-worry dahil mauuwi sa wala ang lahat ng plano ni Digong na kumita ng bilyon para matugunan ang pangangailangan ng kalusugan ng mga kapuspalad sa bansa.

Abangan!

DEP-ED AT CHED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with