Generika nagparamdam
MANILA, Philippines - Ipinakita ng Generika-Ayala ang kanilang lakas matapos durugin ang Cocolife, 25-20, 25-15, 21-25, 25-16 sa opening-day salvo ng Belo-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan.
Pinatahimik ng Lifesavers, nagsagawa ng major revamp sa team noong off-season, ang Asset Managers matapos magbanta sa third set, tungo sa kanilang unang panalo sa women’s volleyball tournament na ito na suportado ng Mikasa, Senoh, Mueller at Grand Sport kasama ang TV5 bilang official broadcast partner.
Ang gumaling na ngayong si Gen Casugod ang kanilang sinandalan sa net matapos magdeliber ng 17 kills at tatlong blocks para sa 20 points habang sina Angeli Araneta at Patty Orendain ay may 12 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod para sa Lifesavers, na kumuha ng apat na miyembro ng two-time champion Foton at dating player ng powerhouse Petron.
“We’re more balanced this time,” sabi ni Generika coach Francis Vicente, na magmamando ng national women’s team sa AVC Asian Senior Women’s Championship at 29th Southeast Asian Games. “I like my team this time.
Magaan silang kasama, magaan ang samahan. Hindi pa kami nagti-team building pero magaan silang kasama agad.”
- Latest