Mapagsamantalang Teacher
Dear Vanezza,
Nahuli ko ang aming kapitbahay na teacher na pilit na inuutangan ang lolo kong may sakit na Alzheimier nang sitahin ko siya ay ngumiti lang at sinabing ibabalik din niya agad ang perang hiniram nito. Pagdating ni nanay ay isinumbong ko agad at kinausap ang teacher na pinagsabihan na kapag inulit ay ipapa-barangay na ito. Bakit ba maraming taong mapagsamantala na hindi na naawa sa may sakit kong lolo? - Cecile
Dear Cecile,
Mahalagang bantayan ang iyong lolong maysakit para maiiwas sa mga masasamang kapitbahay na naturingan pa namang teacher na walang inisip kundi ang makapagsamantala. Paano kung hindi mo nakita, baka hindi na niya ito bayaran. Tiyak din na pagsisimulan ito ng stress ng iyong lolo na posibleng umatake ang kanyang sakit. Kaya huwag mong hayaan na makalabas ang lolo na walang kasama.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest