2 sa 4 misis ng nasawing bus driver sa Tanay mishapnagkita sa pag-claim ng insurance benefits
MANILA, Philippines - Nagkita at nagpang-abot sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawa sa apat na asawa ng namatay na driver ng Panda Coach Tours na si Julian Lacorda Jr. kahapon upang kunin ang insurance claims sa SCCI management and Insurance Agency Corporation.
Nabatid na noong Huwebes ay nakuha na ng lahat ng mga kapamilya ng 14 na nasawing mag-aaral ang insurance claims sa naturang insurance company gayundin ng mga nasugatan sa insidente at tanging ang kapamilya ni Lacorda ang hindi kumuha ng claims.
Sa hindi inaasahang pagkakataon kahapon ay nagkita ang dalawang babae sa buhay ni Lacorda sa LTFRB para kunin ang claims.
Sa halip na mag-away, maayos namang nag-usap sina Erlinda Lacorda, legal na asawa ni Lacorda, tubong Surigao, 42 at ikalawang asawa na si Bernadette Berkman, 40, Cogeo, Antipolo City.
Apat ang anak ni Lacorda kay Erlinda at dalawa kay Bernadette.
Nasa P200,000 ang nakuhang insurance claims ni Erlinda na nangako na hahatian si Bernadette at maging ikatlong asawa ng mister habang planong hatian ang ika-apat na asawa ng mister mula sa Bulacan dahil mahirap umano itong kausap.
Bunga nito, halos lahat na ng mga nasawi at nasugatan sa aksidente sa Tanay Rizal ay nabigyan na ng insurance claims mula sa SCCI.
- Latest