Curry, Durant magkakasama sa NBA All Stars West team
NEW YORK – Nanalo si Stephen Curry sa tiebreaker para makasama si Golden State teammate Kevin Durant sa lineup, habang magiging starters naman sina LeBron James at Kyrie Irving ng Cleveland Cavaliers sa NBA All-Star Game.
Tinalo nina Curry at James Harden ng Houston Rockets si Russell Westbrook ng Oklahoma City Thunder para sa dalawang Western Conference backcourt spots sa bagong voting system na kinabibilangan ng mga players at media sa unang pagkakataon ngayong season.
Makakasama nina Curry at Harden sina frontcourt choices Durant, Anthony Davis ng New Orleans at Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs.
Ang East lineup para sa Feb. 19 game sa New Orleans ay binubuo nina Giannis Anteto-kounmpo ng Milwaukee Bucks at Jimmy Butler ng Chicago Bulls sa frontcourt at DeMar DeRozan ng Toronto Raptors sa backcourt.
Inungusan ni DeRozan si Boston Celtics guard Isaiah Thomas sa isa pang tiebreaker.
Ang fan voting ay kumakatawan ng 50 porsiyento sa bagong voting system habang tig-25 porsiyento naman ang bahagi ng mga kasalukuyang players at media panel.
Si James ang leading scorer sa All-Star Game history at magiging pang-limang player na mapapanood sa 13 All-Star games.
“I think from the standpoint of people enjoy the way I play the game, they respect the way I play the game and at this point in my career I’m still doing something right,” sabi ni James, may 1.9 million votes mula sa mga fans. “Makes me proud, makes my family proud and my support system so it’s cool in that sense.”
Sina James at Durant ang may highest possible scores sa lahat ng tatlong voting groups, ngunit ang bagong prose-so ang nagpatalsik kina Dwyane Wade ng Bulls, Joel Embiid ng Philadelphia 76ers at Zaza Pachulia ng Warriors na maaari sanang piliin ng mga fans kung ang dating format ang gagamitin.
Ihahayag naman ang mga reserves sa susunod na Huwebes matapos ang botohan para sa head coaches.
- Latest