^

Para Malibang

Sintomas ng Heart Attack

Pang-masa

Marami ang nakaka-survive sa heart attack, nakakabalik sa trabaho at nai-enjoy ang normal na buhay. Pero dahil ang heart attack  ay isa sa dahilan nang biglaang pagkamatay taun-taon, hindi dapat ipawalang bahala ang sintomas bago ang pag-atake.

Maraming warning signs para mapigilan ang matinding sakuna.Tulad ng nakararanas ng biglaang pananakit ng dibdib. Puwedeng pagsisikip ng kaliwang bahagi ng dibdib. Ang sakit ng dibdib ay tumatagal ng ilang minuto. Nawawala at pabalik-balik ang sakit. Parang may pressure, bumibigat ang dibdib, at matinding paninikip. Madalas akala ng marami ay isa lang itong heartburn o hindi natunawan.

Puwede rin masakit ang mga balikat, likod, panga, o buong dibdib, at sikmura.  Kinakapos at nahihirapan ang paghinga; dahil sa pananakit ng dibdib. Ang chest pain ay puwedeng nararanasan kahit walang ginagawa o may physical activites. Nahihilo, malamig ang pawis, napapagod ng walang dahilan, nasusuka, at masama ang pakiramdam. Karaniwan ang mga babae ang nakararanas ng ganitong sintomas dahil sa kakaibang sakit sa leeg, batok, balikat, o likod.

Iba’t iba man ang sintomas na kadalasan ay hindi alam ng pasyente na ito na pala ay inaatake na sa puso.

Sa mga nakakaranas ng ganitong sintomas ay magpakonsulta agad sa doktor upang maiwasan ang heart attack.

vuukle comment

HEART ATTACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with