^

PSN Palaro

Dooley humanga sa inilaro ng Azkals kahit nasibak

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maagang namaalam sa kontensiyon ang Philippine Azkals sa AFF Suzuki Cup ngunit nakataas pa rin ang noo nitong lalabas ng Philippine Sports Stadium.

Tuluyang naglaho ang pag-asa ng Azkals nang lumasap ito ng 0-1 kabiguan sa kamay ng defending champion Thailand noong Biyernes.

Ito ang unang pagkakataon sapul noong 2010 na hindi masisilayan sa aksiyon ang Azkals sa semifinals ng biennial meet.

Gayunpaman, pinuri ni Azkals head coach Thomas Dooley ang kanyang bataan sa determinasyong inilatag nito sa kanilang tatlong pagsalang.

“The players played with heart, and they did what they could. it is disappointing, but we have to move on,” ani Dooley.

Tumapos sa ikatlong puwesto ang Pilipinas sa Group A tangan ang dalawang puntos na nakuha mula sa dalawang draw habang nanguna ang Thailand na may malinis na 3-0 rekord (siyam na puntos) at pumangalawa ang Indonesia na may apat na puntos buhat sa isang panalo at isang draw.

Nahablot ng Thailand at Indonesia ang dalawang tiket sa semis.

Laglag din ang Singapore na nagtala ng isang draw at dalawang pagkatalo.

Bigo ang Azkals na ma-maximize ang home crowd advantage matapos langawin ang venue na ni hindi man lang nangalahati sa tatlong laro ng pambansang koponan.

Umaasa si Fil-German Stephan Schrock na ma­laking tulong ang kanilang kampanya sa Suzuki Cup upang malaman ang mga bagay na dapat ayusin sa koponan at maitama ito upang makabalik ng mas malakas sa kanilang mga susunod na international competitions.

“We’ll analyze our game and come back stronger. We did everything but we’re just unlucky,” wika ni Schrock.

Sunod na pagtutuunan ng pansin ng Azkals ang pagsabak nito sa Asian Football Confederation (AFC) Asian Cup qualifications.

“Azkals will rest and then prepare for the AFC Asian Cup Qualifications,” ani Dooley.

vuukle comment

PHILIPPINE AZKALS SA AFF SUZUKI CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with