^

PSN Palaro

Generals pinosasan ang Tamaraws

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpakita ng kaka­ibang sigla ang Emilio Aguinaldo College sa tulong ni Cameroonian  import Hamadou Laminou upang maitakas ang isang makapigil-hiningang 82-77 panalo laban sa FEU-Nicanor Reyes Medical Foundation sa 2016  MBL Open basketball tournament sa EAC  Sports Center sa Ermita, Manila.

Si Laminou, na idinagdag lamang sa line-up sa huling mga sandali, ay ku­mayod ng husto para ihatid ang Generals sa  ika-apat nitong panalo sa anim na laro at unang pwesto sa seven-team, single-round  tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Di­c­kies Underwear at Gerry’s Grill.

Ang 6-foot-10  native ng  Yaounde, Cameroon ay umiskor ng 14 sa kanyang 17 puntos sa second half at nanguna sa mahusay na depensa ng Generals upang gulatin ang Tamaraws.

Nakatulong niya sina Alex Aguas, Jerome Garcia at Sidney Onwubere para tiyakin ang panalo ng EAC.

Si Aguas ay gumawa ng 12 puntos, anim sa third at fourth quarters.

Si Garcia, ang pangunahing scorer sa kanilang unang limang laro, ay nag-ambag ng 10  puntos,  habang si Onwubere ay may walo.

Ang dating Purefoods mainstay na si Jerwin  Gaco ang namuno sa FEU-NRMF sa kanyang 13 puntos, kasunod sina Fil-Canadian Clay Crellin,  Al Francis Tamsi at Francis Camacho na may 12 bawat isa.

Ang Cameroonian center na si Moustapha Arafat ay gumawa lamang ng anim na puntos.

2016 MBL OPEN BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with