^

PSN Palaro

Alab Pilipinas kayang sumabay sa matitikas na team sa ABL

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makikipagsabayan ang Alab Pilipinas sa pinakamatitikas na koponan sa rehiyon sa Asean Basketball League na pormal nang nagsimula kahapon sa OCBC Arena sa Singapore.

Ang Alab Pilipinas ang ikaapat na koponan na magi­ging kinatawan ng Pilipinas sa ABL.

Unang sumalang ang AirAsia Philippine Patriots na nagkampeon noong 2010, San Miguel Beermen na naghari naman noong 2013 at ang Pilipinas MX3 Kings.

“The ABL is an established league that features the best in the ASEAN region, and it would be very healthy for Philippine basketball to continue making a strong presence there,” ani Alab Pilipinas coach Ronald Cuan.

Pangungunahan ang Alab Pilipinas ni Fil-Am Bobby Ray Parks Jr. na galing sa kampanya sa NBA D-League. Makakasama nito sina Val Acuña, Robby Celiz, Jeric Fortuna, Paulo Hubalde, Anthony Gavieres, Igee King, Jens Knuttel, Jovet Mendoza, JR Cawaling at Fil-Am Lawrence Domingo.

Agad na kakaliskisan ang Alab Pilipinas sa pakiki­pagtipan sa Singapore Slingers bukas (Linggo) sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Mapapanood ang laban sa ABS-CBN Sports and Action at  ilang lugar sa la­­bas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel.

Sa taong ito, dala­wang non-Asean countries ang lumahok - ang Hong Kong Eastern Sports Club at Kaohsiung Truth ng Chinese-Taipei - na susubukang agawin ang korona sa reigning champion Westports Malaysia Dragon.

 

ALAB PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with