^

PSN Opinyon

Paghingi ng suporta o ‘alimony’

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

MASASABING kasal lang sa papel sina George at Donna. Hindi nila masyadong pinahahalagahan ang importansiya nito. Hindi nagtagal at naghiwalay sila.

Kinasuhan ni Donna si George ng concubinage samantalang adultery naman ang ikinaso ng lalaki sa babae. Maliban sa mga kasong nabanggit, nagsampa ng kaso si Donna para humingi ng suporta kay George. Nakakuha siya ng kautusan mula sa korte at pinagbibigay si George ng P1,000 kada buwan bilang “alimony” ni Donna habang dinidinig pa ang kanilang kaso. Nilabanan ni George ang utos ng korte pero wala ring nangyari. Habang dinidinig ang kaso para malaman kung magkano talaga ang dapat na halaga ng suporta para kay Donna, nagtungo sa US si George at nakakuha ng diborsyo sa Nevada. Dito naman sa Pilipinas, nilakad ni Donna ang implementasyon ng kautusan ng korte para sa pagbibigay ng sustento sa kanya ni George habang dinidinig ang kaso. Hinabol niya para maipakumpiska ang mga ari-arian ng asawa. Nang magkaroon na ang korte ng pinal na desisyon sa suportang dapat kay Donna, nabawasan pa ang sustento niya at naging P500 na lamang kada buwan. Nakakuha pa rin si Donna ng isang ari-arian ni George na pinakumpiska at sinubasta.

Nang makabalik si George ng Pilipinas matapos ang dalawang taon, gusto ni Donna na magpatuloy pa rin si George ng pagbabayad ng sustento sa kanya na P500 kada buwan na naging direktiba ng korte. Kinontra ito ni George at sinabing 1) nalusaw na ang tali ng kasal na nagbibigkis sa kanila sa pamamagitan ng kautusan ng diborsyo na nakuha niya sa Nevada kaya natapos na rin ang obligasyon niya na magbigay ng buwanang sustento sa asawa, at 2) kahit sabihin pa na may obli­gasyon siyang magbigay ng suporta, sobra-sobra na ang naging bayad kay Donna dahil ang orihinal na pinabayaran sa kanya ay P1,000 kada bu­wan at nang matapos ang kaso ay nakalahati ito sa P500 kada buwan kaya dapat tuusin lahat ng nauna niyang ibinigay at ibawas ito sa dapat pang bayaran ngayon. Tama ba si George?

MALI. Una sa lahat, wa­lang bisa ang diborsyong nakuha ni George sa ibang bansa dahil dito sila pareho naninirahan ni Donna at walang kapangyarihan sa Pilipinas ang korte ng US. Hindi kinikilala sa atin ang dibor­syo dahil parehong Pilipino ang sangkot. Ginamit lang na paraan ni George ang pag­kuha ng diborsyo upang maalis ang obligasyon niya na magbigay ng buwanang sustento kay Donna na idineklara ng mga korte ng Pilipinas. Pangalawa, hindi puwedeng ibawas ang sobrang naibayad kay Donna sa pangangailangan niya ngayon dahil direktiba ito lahat ng korte kahit sabihin pa na ang korte mismo ang nagkamali at mas malaking sustento ang unang napabigay sa kanya. Ang “alimony” o sustento na ibi­nibigay sa batas ay para sa pagsuporta ng tao, hindi ito nababago dahil ang intensiyon ng batas ay sasagutin nito ang lahat ng pangangailangan sa kasalukuyan ng taong nabanggit. Ang kailangan ngayon at bukas ay hindi puwedeng ibawas sa nakuha kahapon. Hindi ito magtutugma sa intensiyon ng batas kung hahayaan na kunin ang gagastusin ngayon mula sa mga pe-rang nakuha dati base sa unang utos ng korte.

ATTY. JOSE C. SISON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with