Totoong bangkay ng OFW, dumating na
MANILA, Philippines – Dumating na kahapon sa isang warehouse ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang totoong bangkay ng isang overseas Filipino Worker(OFW) matapos na magkamali ang unang ideniliber na mga labi mula sa bansang Israel.
Ang pamilya ng OFW na si Fernando Peralta ay na ‘wow mali,’ matapos matuklasan ng kapatid nito na hindi pala nila kapamilya ang nasa kabaong na unang dumating sa paliparan.
Sa pagdating kahapon ng bangkay ni Peralta sa NAIA, hihilingin ng pamilya nito sa gobyerno na tulungan sila para magbayad ng danyos at pagmultahin ang punerarya sa Israel na nagpadala ng pekeng Peralta.
Napag-alaman na ang pekeng Fernando Peralta na iniuwi sa Pilipinas ay isang Chinese national.
Si Peralta ay nasawi noong Mayo 25 dahil sa atake sa puso.
Ayon sa ulat natuklasan ng nakakabatang kapatid ni Fernando na hindi ang bangkay ng kanyang kapatid ang nasa ataol dahil ito raw ay may bukol sa noo at walang ngipin.
‘Malamang nagkaroon ng kalituhan ang punerarya sa Israel sa pagpapadala ng bangkay ni Fernando,’ ayon naman sa ilang airport observers.
- Latest