^

PSN Palaro

Bakers, Tile Masters unahan sa ika-2 dikit na panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ikalawang panalo ang parehong tatargetin ng Cafe France at Racal Tile sa kanilang paghaharap nga­yong hapon sa pagpapatuloy ng 2016 PBA D-League Foundation Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Nakatakda ang inaabangang duwelo ng Bakers at Tile Masters sa alas-4 ng hapon habang masisilayan naman ang pukpukan ng Aspirants’ Cup champion Phoenix at Topstar ZC Mindanao sa alas-2.

Galing ang Bakers sa impresibong 89-64 dominasyon laban sa Aguilas noong Huwebes ngunit hindi pa kuntento si coach Egay Macaraya sa magandang ipinamalas ng kanyang bataan kaya’t walang puwang ang pagiging kampante sa oras na humarap ang kanyang tropa sa Tile Masters.

Kakamada para sa Cafe France si Congolese big man Rod Ebondo ka­sama sina Paul Zamara, Samboy De Leon, Bryan Cruz at Jam Cortez.

Isang malakas na Racal naman ang ipaparada ni coach Caloy Garcia matapos atasan ang kanyang grupo na ibigay ang buong puwersa nito sa lahat ng kanilang laro upang hindi na maulit ang masaklap na nangyari sa kanila noong nakaraang kumperensiya.

Naramdaman ang la­kas ng Tile Masters nang patumbahin nito ang AMA Online Education noong Martes sa bisa ng 100-67 demolisyon.

Sa kabilang banda, magiging maingat ang Phoenix sa kanilang bawat laban kabilang na ang kanilang pagharap sa Aguilas na nagnanais makabalik sa porma.

ENERGY REGULATORY COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with